Ethel Booba, John Lapus, Arnell Ignacio have various reactions to Mocha Uson's MTRCB appointment

IMAGE @IamEthylGabison Twitter / Arnell Ignacio Facebook / Noel Orsal

Ethel Booba on Mocha Uson's appointment as MTRCB board member: "Baka maging suki ng suspension ang mga News Program. Charot," tweeted Ethel, alluding to Mocha's strong opposition to legitimate media organizations. Sweet Lapus, for his part, expressed  outright disapproval of Mocha's appointment. On the other hand, Arnell Ignacio said that Mocha is a good addition to the board members of MTRCB. 


Umani ng batikos ang pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Lalo pa’t minsan nang sinabi ni Mocha na handa siyang tumulong sa gobyerno “nang walang kapalit na sahod, title or official position.”

Ito ay sa kabila ng aktibo niyang pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sina John “Sweet” Lapus at DJ Mo Twister ang ilan sa showbiz personalities na naghayag ng disgusto sa pagkakatalaga ni Mocha sa MTRCB.


Tahasan din ang paghayag ng disgusto ni Anna Ylagan, isang direktor at anak ni Robert Arevalo, sa pagbigay kay Mocha ng puwesto sa gobyerno. 


Ayon naman sa film critic na si Philbert Dy, mas nakakabagabag ang koneksiyon ni Mocha sa pulitika ngayong may posisyon na ito sa gobyerno. 

Idinaan naman sa biro ni Ethel Booba ang kanyang reaksiyon sa pagkapili kay Mocha bilang MTRCB board member.

Ang film director at actor na si Manny Castaneda ay naghayag naman ng palaisipan sa kanyang Facebook account. 



MOCHA'S CHAMPIONS. Sa kabilang banda, mayroon ding nagbigay ng papuri kay Mocha sa pagtanggap nito sa puwesto.

Una na rito si Senator Vicente “Tito” Sotto III, na naniniwalang malaki ang maiaambag ng singer/dancer/blogger sa pamunuan ng MTRCB.

Read: Senator Tito Sotto on Mocha Uson's MTRCB appointment: "Very good choice." 

Giit naman ng kapwa-Duterte supporter ni Mocha na si Arnell Ignacio, magandang kumbinasyon ang pagpasok ni Mocha sa pagsusuri ng mga pelikula at programa sa telebisyon. 

Si Arnell, na nangampanya para kay Duterte noong eleksiyon, ay binigyan ng Pangulo ng posisyon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Siya ay itinalagang Assistant Vice President of the Community Relation and Services Department.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN