Ivan Dorschner reveals James Reid's reaction to Ivan's GMA-7 transfer

IMAGE Noel Orsal

Ivan Dorschner on James Reid's reaction to his transfer to GMA Network: "Tinanong niya ako, 'O, how was it, kumusta?' Sabi ko, 'It feels great! It feels na tama, it feels na magaan.' Iyon. And he said, 'Oh, that's really good! I think maybe you'd experience a lot of good things sa GMA.' May sinabi siyang ganyan."


Maayos daw ang pag-alis ni Ivan Dorschner sa ABS-CBN.

Ngayon ay nasa Kapuso network na ang dating Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 housemate.

Isa siya sa leading men ni Barbie Forteza sa upcoming primetime series na Meant To Be.

Pahayag ni Ivan tungkol sa pag-alis niya sa Kapamilya network, “Tinapos ko naman lahat ng obligations ko [sa ABS-CBN].

“Nawala po ako sa bansa ng three years, tinapos ko yung kontrata ko sa ABS, and bumalik po ako sa L.A. [Los Angeles].

“Naging regular na tao po ulit ako, kumuha po ako ng day job.

“And pumasok din po ako sa school, nakapag-aral po ako sa mga ibang schools sa L.A.”

Ang kaibigan at dating kasamahan ni Ivan sa PBB na si James Reid ang naging daan upang bumalik sa Pilipinas at sa showbiz ang binata.

Kuwento ni Ivan, “Nung umuwi si James para mag-tour sa West Coast para sa show nila…

“Ayun, niyaya niya akong bumalik ulit sa showbiz, at sinabi niya sa akin na, ‘Ivan, ano pa ang hahanapin mo dito sa Pilipinas?’

“At ayun, napaisip ako dun.

“At kinausap ko naman ang mga magulang ko, mga kaibigan ko, mga kakilala ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ivan sa grand press conference ng Meant To Be, na ginanap sa Victoria Sports Tower, sa EDSA, Quezon City, nitong Martes, January 3.

JAMES’S REACTION. Isa pang claim to fame ni Ivan ay nang paakyatin siya sa stage at halikan ng American singer na si Katy Perry, sa California Dreams concert tour nito sa Pilipinas noong 2012.

Tuluy-tuloy na ba siya sa showbiz?

“Yes po,” sagot ng Filipino-American actor.

“Ang plano ko po, balak kong magmarka ulit sa Pilipinas, na hindi lang isang lalaki na umakyat sa stage at naghubad, sa creative naman.

“So, naipaisip naman sa akin ng kaibigan ko [James] na meron pa akong ipu-pursue dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayun, pagdating ko ay umikot naman po ako sa mga may offer sa akin.

“At ang GMA ang may pinakamagandang offer sa akin, so eto na tayo.”

Ano ang naging reaksiyon ni James na nasa GMA-7 na siya ngayon?

Ayon kay Ivan, “Well, proud siya, sa una, proud siya.”

Hindi ba nainis si James na siya ang kumumbinsi kay Ivan na magbalik-showbiz, pero hindi siya sa ABS-CBN nagtrabaho?

“Well, siyempre gusto niya akong makasama, pero alam niya hindi na yun agad na mangyayari.

“Dahil siyempre, mas established na siya, so mahihirapan siguro yung production or yung creative team itapat kami sa isa’t isa kaagad, right?”

Nagpaalam ba siya kay James na lilipat siya sa GMA-7?

“Alam niya. Actually, sa totoo lang, alam niyang lahat. Alam niyang lahat ng nangyayari.”

Very close sila ni James?

“Opo, opo!” bulalas ni Ivan.

“Alam niya lahat ng nangyayari at ikinukuwento rin niya sa akin lahat ng nangyayari sa set nila.

“Lahat, actually talagang… iyon! Nagiging confidante kami sa isa’t isa.

“Alam niya na nag-audition ako sa Meant To Be, sa mga ibang shows, so tinanong niya ako, ‘O, how was it, kumusta?’

“Sabi ko, 'It feels great! It feels na tama, it feels na magaan.' Iyon.

“And he said, 'Oh, that’s really good! I think maybe you’d experience a lot of good things sa GMA.' May sinabi siyang ganyan.”

Nakakontrata si Ivan ng tatlong taon sa GMA Network.

THE DECIDING FACTOR. Noong nasa Amerika si Ivan, ano ang eksaktong sinabi sa kanya ni James na nakakumbinsi sa kanyang bumalik sa Pilipinas at sa showbiz?

Kuwento niya, “Dun sa international arrival area sa LAX, may hagdanan paakyat, di ba?

“Dun nakatambay, nakaabang lahat ng magre-receive sa mga tao.

“Ang pinakauna niyang nakita na face na familiar sa kanya pagdating, yes, ako po yun… Sila ni Nadine [Lustre].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pag-akyat ng hagdanan, dun ako, sabi ko, ‘Welcome to America, man!’”

Sinalubong niya sina James at Nadine Lustre na may tour sa US early last year.

“So, naglalakad na kami, paglabas namin ng airport pumunta kami sa restaurant, at sinabi niya, ‘Bro, I think what you wanna do is right, I think there’s something na meron para ‘yo sa Pilipinas. I think you really should come back. I think… you can do it! You can really do it.’

“Parang ganun.”

Bumalik si Ivan sa Pilipinas August 2016.

May sama ba siya ng loob sa ABS-CBN? Naisip ba niyang hindi siya inalagaan nang husto bilang isang Kapamilya?

Tanggi ni Ivan, “No naman, no naman.

“Kasi, siyempre, creative decision naman nila iyon, business iyon.

“Wala naman silang utang sa akin, di ba?

“So, siyempre, diskarte nila kung ano ang gagawin nila sa mga shows, sa mga artista nila.

“So, sa akin, tinapos ko na lang yung obligation ko.

“Kasi, siyempre, bumalik na rin ako sa L.A., para magkonek naman sa family ko.

“I think isa ring blessing yun, because antagal na rin yung mawala ka sa pamilya natin ng three years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN