PEP EXCLUSIVE. Mocha Uson to critics of her MTRCB appointment: "Mag-move on na kayo."

IMAGE Cyrus Panganiban for YES!

Ipinangako ni Mocha Uson na ang pagbabagong ginawa niya sa sarili, bilang dating hubaderang singer-dancer at ngayon ay isang social media influencer, ay gagawin din daw niya sa kanyang posisyon bilang MTRCB board member.


Naging trending topic sa Twitter ang pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kahapon, January 5.

Sa Facebook naman ay sangkatutak na komento, pabor man o pangungutya, ang ipinost ng maraming netizens tungkol sa pagiging MTRCB board member ng kontrobersiyal na sexy singer/dancer/blogger.

Ngunit ipinagkikibit-balikat na lamang daw ni Mocha ang pangungutya ng mga kritiko.

Saad niya, "Bashers, kailan ba nawala?

"Wala na tayong pakialam sa mga bashers dahil hindi ko ito ginawa para sa kanila.

"Ginagawa ko po ito para dun sa mga nagtitiwala sa atin na ang gusto ay marinig ang mga hinaing nila, yung mga ordinaryong Pilipino.

"Ang sabi kasi ng mga magulang, ang sabi nila sa Facebook, 'Mocha, kung puwede ba ay pagsabihan ang mga TV networks na tanggalin na yung mga soft porn na tinatawag sa mga teleserye dahil hindi na tama.

"'Puro landian, kalaswaan, primetime 'yan at tinitingala ng mga kabataan yung mga artista na 'yan na mga kabataan din.'

"So, dapat tawagan ng pansin yung mga TV networks."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mocha, sa pamamagitan ng telepono, ngayong Biyernes ng umaga, January 6.

OLD PICTURES. Matapos ianunsiyo ni Presidential Communications Office head Secretary Martin Andanar ang appointment ni Mocha, naglabasan din ang lumang nude photos ng lider ng all-female sexy group na Mocha Girls.

Reaksiyon niya rito, "Oo nga, e. Ang comment ko diyan, mag-move on na kayo.

"Ako, nakapag-move on na ako. Hindi naman tago 'yan, e, yung pagpapa-sexy ko, pero noon pa 'yan.

"At sana lahat ng mga tao na gusto magbago, bigyan niyo ng pagkakataong patunayan yung kanilang mga sarili na nagbago na."

Diin pa niya, "Nagbago na ako.

"Matagal na 'yang mga pictures na 'yan, seven years ago pa 'yan.

"At hindi sila updated at hindi na po ako ganyan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ayun, kawawa naman sila, hindi sila maka-move on.

"Pero ako, nagbago na po ako.

"At yung pagbabago na ginawa ko sa sarili ko ay dadalhin ko sa pagbabago na gagawin ko sa kung ano man yung sasakupin ko bilang MTRCB board member."

MOCHA'S ADVOCACY. Masaya raw si Mocha na mas mapapalawak ang kanyang pagbibigay-serbisyo sa bayan sa pagkakatalaga sa kanya bilang board member ng MTRCB.

Ayon sa sexy singer/dancer/blogger, may mga inalok na kapwa niya supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang posisyon, pero tinanggihan daw ng mga ito dahil maliit ang suweldo.

Pero sa kaso ni Mocha, gusto raw niyang maging bahagi ng board kahit walang bayad.

Saad niya, "Masaya din ako dahil ito na yung pagkakataon na sitahin yung mga mga TV networks sa kanilang mga teleserye na nagpapalabas ng mga maseselang eksena na nakakalusot.

"Siyempre, alamin ko pa kung ano yung sakop ko bilang board member."

Read: Mocha Uson named MTRCB board member

Ano ang maipangangako niya sa publiko sa kanyang pagkakatalaga bilang board member ng MTRCB?

Tugon ni Mocha, "Ay, kung ano yung pagbabago na ginawa ko sa sarili ko, gusto ko rin dalhin yung pagbabago na yun sa mga programa sa telebisyon.

"At pakinggan ang mga hinaing ng mga magulang na tanggalin nga yung mga malalaswang eksena sa teleserye na hindi tama na napapanood ng mga kabataan.

"Yung mga reality TV shows diyan na puro landian, kailangang kalabitin yung mga producers na 'Uy, ayusin niyo naman 'yan.'"

BIG ARTIST. Ayon kay Secretary Martin Andanar, si Mocha ay isa sa "biggest artists" sa bansa. Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ng bagong MTRCB board member, "Oo, sabi rin niya, 'most influential blogger.'

"Ayun, salamat po kay Secretary Martin Andanar sa tiwala at sa suporta.

"Kaya lang naman po tinatawag na influential ay dahil lang naman po sa 4.6 million na followers sa Mocha Uson Blog, e, yun lang naman po yung pinapalakas nating boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po boses yung nasa blog, boses po yun ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino na sumuporta kay Pangulong Duterte, at dun lang sila napapakinggan sa Facebook.

"Yun lang po yung inilalabas ko dun.

"Kaya kung wala yung mga supporters ni Pangulong Duterte, wala rin akong impluwensiya dahil blog nila yun. Hindi naman akin yun."


Stories We Are Tracking

Mocha Uson is officially an MTRCB board member
Mocha Uson is officially an MTRCB board member
Sen. Tito Sotto gives thumbs up to Mocha's MTRCB appointment
Sen. Tito Sotto gives thumbs up to Mocha's MTRCB appointment
Celebs react to Mocha Uson MTRCB appointment
Celebs react to Mocha Uson MTRCB appointment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN