Ivan Dorschner on bromance with James Reid: "We really don't care if you want to give malice."

IMAGE Noel Orsal

Ivan Dorschner on sexy pictorials: "Magsisisi na po ako pag nakita ko ang sarili ko na ganun sa billboard. Hindi naman embarrassing, it's just… iyon ba ang gusto kong gawin sa buhay ko?"

 


Aminado ang bagong Kapuso star na si Ivan Dorschner na may bromance sila ng Kapamilya hunk na si James Reid.

Nagkasama sina Ivan at James sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

“Sobra! As in sobra!” bulalas ni Ivan tungkol sa bromance nila ni James.

Pero may mga ilang naglalagay ng malisya sa sobrang closeness nila ni James.

Reaksyon dito ni Ivan: “Well, siyempre, ang lakas ng imagination nating lahat, right?

“Iyong mga fantasies, fantaserye… what I’m saying, ang lapad na puwedeng pumasok sa isip ng mga tao.

“Ang dami naman puwedeng maging thoughts natin, right?

“I mean, if they start to imagine things, then go ahead, keep going, it’s fine.

“We really don’t care if you want to give malice… nasa sa inyo yun.”

Hindi rin daw threatened si Ivan na tila mas close ngayon sina James at Bret Jackson, na kasamahan din nila noon sa PBB.

Sabi niya, “Mas matagal kasi sila nagkasama dito, nawala kasi ako, and nasa Viva din si Bret.

“So, nagkakasama sila sa planning ng schedules, tsaka may album na sila na gagawin.”

Mas close ba sila ni James kaysa sina Bret at James?

“No, no, no! Parehas lang kami.

“Hindi naman puwedeng makatayo ng tripod na walang three legs?

“Ganun yun, sa brotherhood namin, ha,” sabi ni Ivan.

Hindi rin daw naapektuhan ang friendship nila ni James ngayong nagkahiwalay na sila ng TV networks.

“Sobrang hindi,” diin ni Ivan.

“Isa lang ang naging usapan namin dun.

“Tinanong ko siya, ‘Bro, magbabago ba tayo?’

“Sabi niya, ‘No.’ Sabi ko, ‘No.’

“Yun lang, yun lang, ‘tsaka natawa kami sa usapan.”

SEXY SCENES. Certified hunk si Ivan, at sa teleseryeng Meant To Be ay may mga eksenang kinakailangan siyang magpakita ng katawan.

Ngunit paglilinaw niya, “May ganun po kasi kailangan mo rin sa rom-com na may mga talagang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman tatawagin na sexy, pero kailangang may awkward situations, kiligin yung mga kasama namin.”

Handa naman daw si Ivan na i-expose ang hunky body niya.

“Oo naman, oo naman, I’m confident.”

Papayag ba siyang maging endorser ng underwear at mag-pictorial na naka-briefs lang?

“Kung Calvin Klein...I’m just saying, I’m just saying!” at tumawa si Ivan.

Dagdag pa niya, “Magtatanong muna ako sa mga handlers ko po.

“I think kailangan ko munang pag-isipan ng one night before ako makapag-decide.

“Magsisisi na po ako pag nakita ko ang sarili ko na ganun sa billboard.

“Hindi naman embarrassing, it’s just… iyon ba ang gusto kong gawin sa buhay ko?

“Tatawanan ako ng mga magiging anak ko?”

Bakit naman kung parte naman iyon ng trabaho niya bilang male celebrity?

“Eto na po, hindi po ako naghihindi, hindi lang po ako maka-oo ngayon,” sabi niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN