Keempee de Leon still clueless why he was sacked from Eat Bulaga!

IMAGE Noel Orsal

Keempee de Leon: "Kung tatanungin niyo ako kung ano ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ako sa Eat Bulaga, kahit ako, hindi ko alam ang dahilan. Ilang beses ko na silang tinanong, but I don't get straight answers. Kaya ang feeling ko, iniwan ako sa ere. Yung parang, 'Ano ang nangyari?'"


Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para kay Keempee de Leon ang pagkakatanggal niya sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Mahigit isang taon na mula nang mawala si Keempee sa noontime show na napapanood sa GMA Network.

Nagsalita ang aktor tungkol dito sa press conference ng bagong GMA primetime series na Meant To Be noong January 3.

Pahayag ni Keempee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Kung tatanungin niyo ako kung ano ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ako sa Eat Bulaga, kahit ako, hindi ko alam ang dahilan.

“Ilang beses ko na silang tinanong, but I don’t get straight answers.

“Kaya ang feeling ko, iniwan ako sa ere. Yung parang, ‘Ano ang nangyari?’”

FROM LEAVE TO EXIT. Ayon kay Keempee, nagsimula ang lahat nang nag-leave siya sa Eat Bulaga! noong November 2015 dahil nagkaroon siya ng teleserye sa Kapuso network din, ang Little Nanay.

Dahil three times a week ang taping at inaabot sila ng madaling-araw, nahirapan daw siyang mag-report sa Eat Bulaga! araw-araw.

Saad ng anak ni Joey de Leon, “Nagpaalam naman ako nang maayos sa kanila.

“Nagpaalam ako kay Tita Malou, kaya walang issue doon.

“Sinabi pa niya na mag-concentrate muna ako sa taping ng Little Nanay, tapos mag-report ako sa Eat Bulaga! kapag natapos na.”

(Ang tinutukoy ni Keempee ay si Malou Choa-Fagar, ang SVP at COO ng TAPE Inc., na producer ng Eat Bulaga.)

“Ang alam ko pa ay ilalagay nila kami nina Tito Jimmy [Santos] at Anjo [Yllana] sa barangay.

“Kasi, that time, nahihirapan na sina Jose [Manalo] at Wally [Bayola] dahil nagka-Kalyeserye pa sila.

“Sinabi pa nila na baka mag-alternate ako with either Tito Jimmy o kay Anjo.”

Sa kasalukuyan ay sina Jimmy at Anjo na ang naghu-host ng “Bayanihan” portion ng “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL CLUELESS. Nang malapit nang matapos ang Little Nanay, ipinaalam daw agad ni Keempee sa Eat Bulaga! na puwede na siyang mag-report ulit sa show.

Lahad niya, “It was like one week na lang before matapos ang Little Nanay, pumunta ako sa studio ng Eat Bulaga! para sabihin na puwede na akong mag-Bulaga ulit.

“They said na they will bring it up sa meeting at tatanungin ang headwriter kung ano ang puwedeng gawin.

“Sasabihan na lang daw ako kung kailan na ako puwedeng pumasok.

“Hanggang sa dumaan ang one week, natapos na ang Little Nanay, wala akong natatanggap na text from them.”

Patuloy ni Keempee, “Hanggang umabot na ng one month, nagtaka na ako. Medyo iba na ang pakiramdam ko.

“Bakit ganun? Bakit parang hindi pa ako tinatawagan?

“Kinausap ko muna si Tita Malou and asked her kung makakabalik pa ba ako sa Eat Bulaga.

“I’m just being honest here… Tita Malou said sa akin, ‘As per the boss, hindi na.’

“Siyempre nagulat ako doon. Na-shock ako. Parang, 'Ano ba ang nangyayari?'

“Kinausap ko na rin ang dad ko tungkol sa situation ko.

“Pero wala rin siyang mabigay na sagot sa akin. Parang umiiwas siya na pag-usapan yun.

“Umabot pa ako sa point that I wrote a letter to Mr. Tony Tuviera," pagtuloy niya sa TAPE president and CEO.

Dagdag ni Keempee, “I explained my situation, pero wala rin akong nakuhang sagot.

“So, ano pa ang magiging pakiramdam ko? Parang basta ka na lang iniwan sa ere.

“Kaya, up to now, I am clueless kung bakit hindi nila ako pinabalik ng Eat Bulaga.

“Sa totoo lang, parang naawa ako sa sarili.”

DEPRESSION. Dumaan daw sa matinding depression si Keempee noong mga panahong iyon dahil para siyang napilayan nang mawala sa Eat Bulaga.

“Kasi naman, thirteen years akong naging part ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bata pa lang, dinadala na ako ni Daddy sa studio.

“Hanggang sa naging artista na ako at naging part na ako ng show.

“That was my family, kaya hindi ko maiwasan na magkaroon ng sama ng loob.

“Masakit kasing isipin na yung mga taong tinrato mo na pamilya for so long, parang sila pa ang basta na lang iniwan ka.”

Saad pa ni Keempee, “I get messages sa mga social media accounts ko from fans asking kung kailan ako babalik ng Eat Bulaga.

“Hindi ko sila masagot, kasi ako mismo, hindi ko alam kung bakit hindi ako pinababalik.

“Marami ang nagme-message sa akin na, ‘Bakit si Wally nakabalik? Bakit si Paolo [Ballesteros] nakabalik?’

“E, sila may mga reason kung bakit sila inalis. Ako naman daw, walang mga ganung issue.

“Pero I am trying to make it a positive thing. Parang challenge sa akin ito ni Lord.

“Ang sa akin lang naman, kung ayaw na nila sa akin, sabihin na lang nila nang diretsahan at hindi yung pinag-iisip nila ako.

“Kasi, for almost a year, napapraning ako, e.

“Iniisip ko kung ano ba ang nagawa kong mali.

“May na-offend ba ako sa mga tao doon? May nasabi ba akong na hindi nila nagustuhan?

“It’s all a mystery to me up to now.”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ng mga taga-Eat Bulaga! kaugnay ng mga naging pahayag ni Keempee de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN