Woman jailed for camcording Mang Kepweng Returns

IMAGE Noel Orsal

Isang babae ang nakapiit ngayon sa Taytay Police Station matapos itong mahuli na inire-record ang Mang Kepweng Returns gamit ang kanyang cellphone camera sa loob ng sinehan.


Isang babae ang nakakulong ngayon sa Taytay Police Station dahil sa pamimirata nito ng Mang Kepweng Returns, ang pelikulang pinagbibidahan ni Vhong Navarro at kapapalabas pa lamang sa sinehan.

Dinakip si Vina Calaguin noong Huwebes ng gabi, January 5, dahil nahuli siya ng security guard ng isang sinehan na aktuwal na kinokopya ang mga eksena sa Mang Kepweng Returns, gamit ang kanyang camera phone.


Sinaway ng security guard ang suspect, pero ipinagpatuloy raw nito ang ginagawa, na labag sa Republic Act No. 10088 o Anti-Camcording Act of 2010, kaya dinakip siya.

Ipinatawag ng cinema management ang mga tauhan at legal counsel ng Cineko Productions, ang producer ng Mang Kepweng Returns, para pormal na sampahan ng kaso si Calaguin.

“Para po sa asawa ko, ebidensiya na yung ibinigay niya na pera, ginawa po namin, nanood kami ng sine,” ang paliwanag ni Calaguin, na kasama ang kanyang mga anak sa panonood ng pelikula.

Dumating sa presinto ng Taytay Police ang mga executive ng Cineko Productions na sina Michelle Diolola at Ramon Salvador.

Umiiyak na humingi ng tawad si Calaguin, ngunit tumanggi ang Cineko Productions producers na patawarin siya dahil sa mababaw na paliwanag nito.

Naniniwala ang mga tauhan ng Cineko Productions na may ibang intensiyon si Calaguin dahil umabot sa 15 minuto ang haba ng eksenang kinopya nito gamit ang hawak na camera phone.

Fifty thousand pesos hanggang P750,000 na multa at anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong ang parusa kay Calaguin kung mapapatunayan ang paglabag niya sa Anti-Camcording Law.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN