Sef Cadayona clarifies rumored breakup with Andrea Torres: "Basta okay kami."

IMAGE Noel Orsal

Sef Cadayona on rumored breakup with Andrea Torres: "Hindi lang nakikita ng tao na nagkakausap kami madalas. Since dun sa mga speculations na kami nga… so hindi kami nakikitang nag-uusap, naisip nila yun. Pero okay naman kami."


Nabigla si Sef Cadayona nang tinanong sa presscon ng bagong primetime series ng GMA Network na Meant To Be You, noong January 3, kung totoo ang balitang break na sila ni Andrea Torres.

Hindi ito diretsahang sinagot ni Sef.

Ang sabi lang niya, matagal na silang hindi nagkikita, pero nagkakausap daw sila.

Sinundan siya ng tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang status ng relasyon nila ni Andrea, kahit hindi naman nila hayagang inaming naging sila.

Nag-aalangang sagot ni Sef, “Hindi lang nakikita ng tao na nagkakausap kami madalas.

“Since dun sa mga speculations na kami nga… so hindi kami nakikitang nag-uusap, naisip nila yun.

“Pero okay naman kami.”

Dagdag pang isyu, kaya raw sila nag-break ni Andrea ay dahil sa co-star niya noon sa weekly sitcom na A1 Ko Sa’Yo, si Gee Canlas.

Paglilinaw ni Sef, “Yung kay Gee naman, siyempre hindi mo maiwasan yun dahil mag-partner kami sa A1 Ko Sa’Yo.

“Pero wala naman yun. Friends kami ni Gee.”

Hindi ba nila pinag-aawayan ni Andrea si Gee?

“Hindi naman niya ako aawayin sa mga ganun,” nakangiting sagot ng Kapuso comedian.

Hindi na sumagot, pero tumango si Sef nang inulit namin ang tanong kung sila pa rin ba ni Andrea.

“Basta okay kami,” pakli niya.

Gaano na ba sila katagal sila ni Andrea?

Safe niyang sagot: “Years na, nung magkasama pa kami sa Bubble.”

Tumango ulit si Sef nang tanungin namin kung three years na ba ang kanilang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN