Sharon Cuneta, Agot Isidro, more celebs condemn dog slaughter

IMAGE Instagram, Facebook

Sharon Cuneta, Agot Isidro, Bela Padilla, Kim Atienza, and Kris Bernal join the list of stars who condemn the dog slaughter in the Metro Manila Film Fest entry Oro.


Ilan pang artista ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa pagpatay ng aso sa pelikulang Oro, official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang sina Sharon Cuneta, Agot Isidro, Kris Bernal, Bela Padilla, at Kim Atienza sa mga dumagdag sa listahan ng mga artistang kumondena sa pagkatay sa aso sa pelikula.

Pawang dog owners at pet lovers ang mga artistang nabanggit.

Halatang apektado ang Megastar sa nangyari base sa kanyang Facebook status ngayong araw.

Sabi ni Sharon, na nagdiriwang ng kanyang ika-51 kaarawan ngayong araw din, January 6:

“I SHALL NEVER GET OVER THIS. i will research the names of those involved in the making of this movie and will NEVER forget them.”

Dog lover si Sharon at madalas mag-post ng larawan ng kanyang alagang shih tzu na si Daisy.

Naapektuhan din ang dog lover na si Agot sa pagpaslang sa aso sa Oro.

Status ng singer-actress sa kanyang Facebook account: "Why???? Why did they have to kill the dog??? Why???"

Sa comments section ng post ni Agot, nagkomento si Kuya Kim, isa ring animal lover, at sinabing kailangang may maparusahan dahil sa sinapit ng aso sa pelikula.


May panawagan din ang Kapuso actress na si Kris Bernal tungkol sa mga hayop.

Post niya sa kanyang Instagram account: “I have 8 dogs in the house, mixed breeds and rescued. They are my babies, they are my children. I wanna speak for those who have no voice. There's no excuse for animal abuse.”

Masakit din para kay Bela Padilla ang nangyaring animal cruelty.

Post ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account, kalakip ng larawan ng kinatay na aso sa pelikula:

“That look of plea and fear should have stopped someone on set. It shouldn't have even been an option, because there's no justification for death. We don't deserve to be in the presence of loving animals if we act like this...it's heartbreaking? #notoanimalcruelty”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga artistang nauna nang nagpahayag ng pagkondena sa nangyaring pagpatay sa aso ay sina Heart Evangelista, Carla Abellana, Sarah Geronimo, Janella Salvador, Coleen Garcia, Lauren Young, at Saab Magalona.

MMFF BAN. Kaugnay pa rin ng insidenteng ito, nagdesisyon ang Executive Committee ng MMFF na i-suspend ang Oro direktor na si Alvin Yapan at producer na si Shandii Bacolod, sa paglahok sa taunang film festival sa loob ng isang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN