Arci Muñoz reveals breakup with Brunei's prince son

IMAGE Noel Orsal / Instagram of @iamrich

Arci Munñoz confirms breakup with boyfriend Badi del Rosario when she suddenly announced during the blogcon of Extra Service: "I'm gonna enjoy my 2017 single and enjoy my single life! Yes, mabuhay ang mga single!"


Hiwalay na si Arci Munoz sa kanyang boyfriend of three years na si Badi del Rosario.

Nakumpirma ito nang biglang sinabi ni Arci sa bloggers' conference ng pelikula niyang Extra Service na ie-enjoy niya ang "single life" ngayong 2017.

Sa ginanap na bloggers' conference ngayong Biyernes, January 6, natanong ang Kapamilya actress kung ano ang kanyang birthday wish ngayong taon.

Si Arci ay nakatakdang magdiwang ng 28th birthday sa January 12.

Habang binabanggit ang kanyang mga plano, tulad ng birthday charity, tila nadulas ang aktres at sinabing, "I'm gonna enjoy my 2017 single and enjoy my single life!

"Yes, mabuhay ang mga single!"

Pagkatapos nito ay agad siyang nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasunod ang ibang reporters, upang kumpirmahin kung break na ba sila ni Badi.

Tugon ni Arci, "Yeah... hindi, siyempre wala lang... wala, I'm gonna enjoy my life.

"I've learned na I need to maybe focus muna na ang dami-daming nangyayari sa life ko.

"So, maybe I need to focus muna sa isang bagay, di ba?"

Dagdag pa niya, "Napakalaking opportunity na dumadating, e.

"Siyempre, I don't wanna miss out on that.

"Pero ang tagal ko na rin naman na kayang pagsabayin both, e.

"Pero ayun, we'll see."

Si Badi ay anak ng Prince ng Brunei na si Jefri Bolkiah at lead vocalist ng Pinoy rock band na Mr. Bones and The Boneyard Circus.


THE BREAKUP. Ayon kay Arci, bago mag-Pasko nangyari ang breakup nila ni Badi.

"Since Christmas, before the holidays.

"So, alam mo yun, naging malabo na siya before that pa.

"We tried to fix it, but hanggang sa ayun."

Hindi man direktang sinabi ni Arci kung ano ang dahilan ng breakup, inamin niyang habang ginagawa niya ang pelikulang Camp Sawi noong 2016 ay nagkakalabuan na sila.

Dagdag niya, "Masyadong maraming work.

"I admit naman talaga na sa time ko rin, kasi I don't wanna be unfair with him, though he's very supportive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktres, nananatili silang magkaibigan ni Badi.

Pero base sa mga salita ni Arci, mukhang umaasa pa rin siyang magkakabalikan sila.

Natatawa niyang sabi, "Malay niyo naman, maayos!

"Wala lang, ang tagal ko kasing hindi naging single, kaya ganun pala yung feeling!

"Hindi ko na alam, nakita ko na yung mga friends ko na medyo na-shut down ko noong happily-in-a-relationship ako.

"Di ba, parang naging ganun na? E, hindi dapat ganun.

"So, ngayon, parang nagkaroon ako ng friends ulit.

"Pero okay naman kami [ni Badi], friends naman kami.

"Siyempre umaasa pa, pero hindi, maintain lang yun para wala namang bigat, di ba?

"Para rin naman sa akin yun, e!"


Stories We Are Tracking

Arci Munoz puts relationship in background of career
Arci Munoz puts relationship in background of career
<p>Arci Muñoz sees herself marrying current boyfriend

Arci Muñoz sees herself marrying current boyfriend


FACEBOOK POSTS. Kasabay ng pag-amin ni Arci tungkol sa breakup nila ni Badi, kapansin-pansin ang naging posts niya sa kanyang personal Facebook account.

Madali itong makikita ng netizens dahil naka-set ang kanyang account sa public.

Noong January 4, nag-post si Arci ng isang quote card na nagsasabing: "I am a patient person and I can give a lot of chances. But when I'm done, I'm done."


Kasunod nito ay nag-post din siya ng quote na: "Women know… They just know.

"Even if they didn't know, they would know.

"Men might not get this, but women will… because they know."


MORE TIME WITH FAMILY. Sa kabila ng pagtatapos ng relasyon nila ni Badi, nananatiling positibo at masaya si Arci.

Sa katunayan, nakita raw niya itong paraan para mas paglaanan ng oras ang pamilya.

Nakangiti niyang sabi, "Now, I'm excited to spend more time with my family.

"Kasi, di ba, parang di ko sila masyadong nakasama, work work lang palagi.

"So ito, this year, sabi ko na I'll make sure na I'll make more time with them.

"Kasi, last year, I lost my father, e.

"So, parang hindi ko siya masyadong nakasama dahil noong last few months niya, kasi nga sobrang naging busy sa work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang yun yung gusto kong baguhin, kasi wala namang mas importante pa sa pamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN