Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa: "I cannot allow them to devalue me any further."

IMAGE Arniel Serato

Nagbitiw na si Ara Mina sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ng GMA Network. Hindi siya nagbigay ng anumang detalye, pero sinabi nito sa kanyang post sa Instagram, "I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now."


Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ng aktres na si Ara Mina ang kanyang pagkadismaya at pagkalas sa isang show na kanyang kinabibilangan.

Kagabi, January 6, isang mahabang post ang ibinahagi ni Ara sa kanyang IG account, kung saan naglabas siya ng sama ng loob sa produksiyon ng hindi niya pinangalanang show.

Panimula niya, “More than 2 decades na ako sa industriyang ito, sobrang dami ko nang nakatrabaho at nagawang trabaho.

“Kahit mahirap na trabaho, di ko ugaling magreklamo kasi I'm a very patient person and hindi rin ako overly sensitive. I'm very open-minded and understanding.”

Ayon pa kay Ara, ngayon lang daw niya naramdaman na parang minamaliit siya bilang artista.

Aniya, “Just recently, na-experience ko ang siguro pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko. I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now.

“And it's because of this one show that I committed myself to. Na akala ko mabibigyan ng halaga yung commitment ko and my value as an actress, which I believe is not so much for me to ask.

“Inintindi ko ang delays, I honored my contract and commitment kahit na ang dami kong offers since October of last year. Kasi may word of honor naman ako. Pero ganito pala ang isusukli sa 'kin.”

Kahit kailangan niyang magtrabaho dahil siya ay isang single parent, kailangan din daw niyang bigyan ng respeto ang sarili.

Dagdag pa niya, “Now, I want out. I won't tolerate this. Not because mataas ang tingin ko sa sarili ko.

“But, I know my worth. And for me to be able to work well, kailangan maipakita kong may respeto naman ako sa sarili ko bilang artista.

“Yes, I need to work. I am a single mother. But, I cannot allow them to devalue me any further. There are surely better people to work with. Therefore, I quit!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa comment section, nagpaabot ng mensahe ng suporta ang ilang kaibigang artista ni Ara, gaya nina Iza Calzado, Sunshine Cruz, at Say Alonzo.




Hindi sinabi ni Ara sa kanyang IG post kung anong show ang tinutukoy niya at kung saang network.

Pero panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong December 17, 2016, binanggit nitong may dalawa siyang upcoming projects—ang pelikulang My Ex and Whys sa Star Cinema at ang teleseryeng Pinulot Ka Lang Sa Lupa ng GMA Network.

Bahagi pa ng kuwento ni Ara sa PEP noon, “May ginagawa akong soap na January din ang airing, yung Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa GMA-7, na January 9 na yata ang pilot namin.

“Yun nga, ina na naman ako ni LJ Reyes, sabi ni LJ, ‘Ha ate, ate lang kita.’

"Sabi ko nga, ‘Ewan ko ba,’ sabi ko nga, ‘Kapatid lang kita, e.’ So sabi ko, ‘Sige na nga para magka-work.’”

Sa comment section ng kanyang post, may isang follower si Ara na nagtanong kung ang tinutukoy ba niya ay ang pelikula nina Enrique Gil at Liza Soberano na My Ex and Whys.


Ngunit ayon kay Ara, walang problema sa pelikula nina Liza at Enrique.


ARA CONFIRMS QUITTING PKLSL. Mula pa kagabi hanggang ngayong umaga, tini-text at tinatawagan ng PEP si Ara sa kanyang cellphone upang tanungin kung saang show siya nag-resign.

Pero hindi niya sinasagot ang aming text messages at tawag.

Lagpas tanghali ngayong araw, January 7, nagpadala ng isang maiksing mensahe si Ara sa writer na ito.

Sabi niya, "Yes, sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ako nag-resign. Ayoko na magdetalye."

Humingi na ang PEP ng statement mula sa GMA Corporate Communications, pero hindi pa ito nagbibigay ng opisyal na pahayag.

Agad ilalathala ng PEP ang panig ng GMA Network at pahayag mula sa produksiyon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa kapag natanggap na namin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN