Ella Cruz gushes over Nadine Lustre's bikini pics: "Ang sexy niya!"

IMAGE @itsellacruz on Instagram

Ella Cruz can't help but admire Nadine Lustre's sexy bikini photos which went viral recently: "Nakita ko nga. Ang sexy niya! Nagulat din ako. Napatunayan niya na top three siya sa FHM."


Isa ang young actress na si Ella Cruz sa nagulat at humanga sa bikini photo na ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account nitong nakaraang linggo.

Water babies. Here's to our little moments. Love you. #LaUnionAdventures #JoshuasTree

A photo posted by Debbie Then (@debbie_then) on

tbh ily (Kidwaste Remix) - Chet Porter 

A photo posted by Nadine Lustre (@nadzlustre) on

Para kay Ella, karapat-dapat nga raw kay Nadine ang mapabilang sa top three ng FHM's Sexiest noong 2016, base sa mga larawan.

Ayon sa kanya, "Nakita ko nga.

“Ang sexy niya!

"Nagulat din ako.

"Napatunayan niya na top three siya sa FHM.

"Di ba top three siya? Ang sexy niya!

"Nagulat ako kasi hindi naman siya nagpu-post palagi.

"Nagpu-post siya yung parang naka-crop top siya, pero yung naka-two-piece, parang ngayon lang.

"Sabi ko nga, 'Hala, may ganung sexiness palang ganung ka-bongga si Ate."

SEXY BUT STILL WHOLESOME.” Kahit may bumabatikos kay Nadine, okey lang naman daw yun para kay Ella.

Sabi pa ng actress-dancer, "Siyempre, part naman ng ano niya yun.

"At saka, nasa sa kanya naman yun kung paano niya dadalhin yun.

"Ako, ang nakita ko sa kanya, sexy pero still very wholesome.

"Still sweet, andun pa rin yung character niyang yun."

Dugtong pa niya, "Hindi naman siya bastusin.

"There's nothing wrong na mag-two-piece, lalo na't kapag nasa tamang place ka naman.

"Nasa beach nga sila, di ba?

"Sa akin, okey lang talaga yun."

NOT YET READY TO BARE. Ibig bang sabihin nito, sa tamang lugar at okasyon ay handa na rin siyang mag-pose na naka-two-piece?

Natatawang sagot ng 20-year-old VIVA star, "Ako? Naku, paghahandaan ko pa.

"Hindi ko pa kaya.

"Siguro, one piece, pero iba talaga siyempre kapag naka-bikini ka na two-piece.

"Hindi rin talaga ako nagbibikini kasi feeling ko, hindi ko pa kaya.

"Mga one-piece, one-piece lang, o rash guard, ganyan.

"Yung pagtu-two-piece, paghahandaan ko talaga.

"Kung ano ako ngayon, yun muna ako talaga ako.

"Siguro pag dumating na yung perfect timing na kaya ko, siguro gagawin ko din."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa presscon ng pelikulang Dark Room sa VIVA office sa Tektite Building, Ortigas Center, noong January 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Ella, kasama sina Bret Jackson, Jack Reid, AJ Muhlach, at Donnalyn Bartolome, ay ipapalabas na sa January 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN