Coco Martin confirms offer to head Actors Guild; politely declines

IMAGE Noel Orsal

Despite being eyed as a potential president for the Actors Guild of the Philippines, Coco Martin reveals why he feels he's not yet ready to accept the position and its concomitant responsibilities: "Kasi kilala ko ang sarili ko, e. Hindi ko papasukin ang isang bagay kung wala naman akong magagawa."


Kinumpirma ni Coco Martin na totoo ang balitang hinihikayat siyang tumakbo bilang susunod na pangulo ng Actors Guild of the Philippines.

“Actually, oo, may mga kasamahan tayo sa industriya na siguro nakikita nila, napupusuan nila na tumakbo ako bilang presidente ng Actors Guild,” sabi ni Coco.

Pero hindi pa raw siya handa para sa naturang posisyon.

“Ang sinasabi ko, natatakot ako baka hindi pa po ako handa.

“Kasi kilala ko ang sarili ko, e.

“Hindi ko papasukin ang isang bagay kung wala naman akong magagawa.

“Kasi sabi ko, siguro pag alam kong reading-ready na ako, pag alam ko na malaki ang maitutulong ko o mapagbabago ko, pupuntahan ko iyan.

“Pero ngayon po, ang sabi ko, ang hangarin ko po gusto ko ay dahan-dahang makatulong sa mga kasamahan natin dito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Coco sa kanyang thanksgiving presscon na ginanap sa Victorino’s restaurant noong Enero 5.

THE OFFER. Unang humikayat daw kay Coco para tumakbong Actors Guild president ay ang kasalukuyang pangulo ng organisasyon na si Rez Cortez.

Incidentally, kasama sa guest actors si Rez sa ABS-CBN primetime teleseryeng pinagbibidahan ni Coco, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ginagampanan ng veteran actor sa serye ang kontrabida role bilang si General Jacob, ang police official na protector ng mga drug syndicate.

Kuwento ni Coco, “Noong una po, kinausap po ako ni Tito Rez Cortez.

“Kasi po siya po ang presidente ngayon ng Actors Guild.

“Sabi niyang ganun, ‘Co, alam mo nakikita ko ngayon, ikaw lang yung pinaka-may concern sa industry lalo na sa ating mga kasamahang artista, sa mía staff, and crew.’

“Siguro nakikita niya ako sa set e kung paano ako makisama sa mga staff ko at saka sa mga artista.

“'Tapos sabi kong ganun, ‘Tito Rez, pag-iisipan ko munang mabuti.’

“'Tapos in-invite ko rin po sila doon sa premiere night ng The Super Parental Guardians [movie nila ni Vice Ganda].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung dinner after po ng movie, nilapitan niya [Rez] po si Tita Cory Vidanes [ABS-CBN executive].

“Kinausap niya po na gusto nga nila akong patakbuhin na maging president.

“'Tapos kinausap po ako ni Tita Cory, sabi ko, ‘Natatakot po Jako dahil pag pinuntahan ko iyan, definitely, baka madami akong makabangga, makaaway.’

"Kasi kilala ko yung sarili ko, e. Maaaring bata ako sa paningin ng iba, pero hindi ako pupunta sa isang posisyon o sa isang lugar na hindi ko sigurado na alam ko yung gagawin ko.

“Sabi ko, may iba pa akong way kung paano ako makakatulong.”

HELPING THE INDUSTRY IN ANOTHER WAY. Ang naisip na paraan ng pagtulong ni Coco sa ngayon kahit hindi siya maupo bilang presidente ng Actors Guild ay ang pagbibigay ng trabaho sa kapwa niya mga artista bilang guests sa kanyang teleserye sa ABS-CBN, kung saan tumatayo rin siya bilang creative consultant.

“Like nga po sa Ang Probinsyano, nabibigyan ko nang dahan-dahan ng trabaho yung ating mga kasamahan.

“At least, kahit sa ganitong pamamaraan, nagkakaroon tayo ng chance para makatulong.

“Kasi po, alam ko na napakalaking responsibilidad kapag naging presidente ka ng Actors Guild.

“Ang magagawa ko lang po siguro sa ngayon ay sumuporta, kung anuman po ang maitutulong ko sa kanila.”

Priority raw sa gustong tulungan at mabigyan ng trabaho ni Coco ay ang dating mga artista na gustong bumalik sa showbiz.

“Sabi ko nga, ‘Tito Rez, gusto kong tulungan yung mga kasamahan nating artista lalung-lalo na yung mga artista na parang gusto nilang magkaroon ng second chance.’

“Doon muna ako, iyon muna ang gagawin ko. Iyon muna ang nakikita kong magagawa ko sa ngayon.”

Dagdag pa ni Coco, bukod sa Ang Probinsyano, marami pa raw siyang mga taga-industriyang matutulungan sa binabalak niyang gawing ngayong taon na online series at pelikula, na siya mismo ang magdidirek at magpu-produce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN