Barbie Forteza moves on from breakup with Kiko Estrada: "It wasn't meant to be."

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza is looking ahead, leaving behind last year's emotional baggage without regrets. She said, "It's part of maturing, part of growing up. Fresh start po tayo ngayong 2017."

 


Consistent si Barbie Forteza sa pag-iwas sa mga tanong tungkol sa failed short relationship nila ni Kiko Estrada.

Iniwan na raw niya ang chapter na iyon ng buhay niya noong 2016.

“Fresh start po tayo ngayong 2017.

“Wala naman po may gustong magdadala ng negative or hindi maganda na nangyari noong nagdaang taon.

“Mag-move on na kayo, kasi nag-move on na ako, e!” natatawang sabi ni Barbie.

Dagdag pa ng 19-year-old Kapuso actress, mahirap nang balikan at dalhin ang mga bagay na hindi makakatulong sa pagkatao niya ngayon.

Saad niya, “Ang dadalhin ko lang talaga ay ang mga good things.

“Yung mga nagpasaya sa akin nang bonggang-bongga last year.

“Yun ay ang mga special moments ko with my family, with my friends, and with my fans.

“Kasama na rin po ang mga magagandang projects na bigay sa akin ng GMA-7.

“Mga ganung bagay na masayang isipin parati.” 


Stories We Are Tracking

Barbie on failed romance with Kiko:
Barbie on failed romance with Kiko: "Not my fault."
Barbie Forteza can't be friends with ex-BF Kiko Estrada
Barbie Forteza can't be friends with ex-BF Kiko Estrada
Barbie Forteza and Kiko Estrada break up!
Barbie Forteza and Kiko Estrada break up!
Kiko Estrada admits to dating Barbie Forteza
Kiko Estrada admits to dating Barbie Forteza

NO REGRETS. Nagsimula ang relasyon nina Barbie at Kiko nang magsama sila sa primetime series na That’s My Amboy noong nakaraang taon.

Pero kahit nagresulta ito ng heartbreak kay Barbie, wala naman daw siyang pinagsisihan.

Diin niya, “Definitely, wala naman po akong naging regrets.

“For me, it’s part of maturing, part of growing up.

“Alam ko naman na pagdaraan ko po ang ganyan, it just so happened na nangyari na nga.

“Pero I learned something from what happened.

“Siguro nga, hindi iyon meant sa akin, it wasn’t meant to be.”

Bukas pa rin daw naman si Barbie sa mga lalaking gusto siyang makilala o i-date.”

Kaya lang, aniya, “Mas naging maingat na po ako ngayon, hindi ako basta madadala na.

“Hindi naman po ako nagsara ng anumang pintuan o bintana.

“Open naman po ako sa pakikipag-date.

“Pero hangga’t maaari, wala muna yung ligawan, okey lang ang maging friends.

“Wala munang seryosohan ng feelings, kumbaga, no commitment muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORK CENTERED. Trabaho lang daw ang pinagtutuunan ng pansin ni Barbie sa ngayon.

Aniya, “Mas magiging committed po ako sa aking trabaho ko dahil ito ang happiness ko ngayon.

“Maganda ang naging simula at pagtapos ng 2016 ko career-wise.

“Gusto ko pong tuluy-tuloy lang this year, lalo na with our teleserye na Meant To Be.”

Apat ang leading men ni Barbie sa nasabing teleserye—sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner.

Pinaka-close daw sa Kapuso Teen Queen si Ken dahil nagkasama na sila noon pa sa Tween Hearts.

Si Jak daw ang pinakatahimik at masyadong misteryoso.

Si Addy naman ang pinaka-hyper na tulad niya, at si Ivan ang pinakamalambing.

Magsisimula ang Meant To Be ngayong gabi, January 9, sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN