Nagkalat sa social media ang mga larawan at videos ng rumored couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang Boracay vacation nitong weekend.
Maging ang kani-kanilang ina ay hindi napigilang mag-post ng sweet moments ng dalawa.
Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay nagbahagi ng larawan kung saan magkayakap ang sikat na Kapamilya love team habang nasa beach nitong Linggo, January 8.
Sa pambihirang pagkakataon ay makikita rin si Kathryn na naka-one-piece bikini.
Caption ni Karla rito: “Enjoy my Loves! at sabak na sa trabaho nxt week at sa buong taon!”
Ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo ay nag-post naman ng sweet moment ng KathNiel, kung saan inaayos ni Kathryn ang buhok ni Daniel.
Samantala, ipinost din ni Kathryn sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang rumored boyfriend.
Kalakip nito ang sweet message na: “Here's to many more adventures and memories with you.”
