Jak Roberto remembers Kuya Germs on first death anniversary of discoverer-mentor

IMAGE Noel Orsal

Masuwerte raw ang taong 2016 para kay Jak Roberto. Bukod sa ilang proyekto sa GMA Network, may dalawa rin siyang nagawang pelikula. Umaasa naman si Jak na ngayong 2017 ay mabigyan pa siya ng mas maraming projects.


Kahapon, January 8, ang first anniversary ng kamatayan ng Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

Bilang paggunita sa death anniversary ni Kuya Germs, dumalaw sa kanyang puntod sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City, ang ilan sa mga natulungan niyang mga artista noon; kagaya nina Patricia Javier, Tina Paner, at Jak Roberto.

Ayon kay Jak, gusto niyang dalawin siya sa panaginip ng dating talent manager at discoverer na si Kuya Germs.

Nagparamdam na ba si Kuya Germs sa kanya kahit sa panaginip?

Tugon ng 23-year-old Kapuso hunk sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi nga po, e.

“Noong namatay si Tatay, parang gusto pa namin siya laging makikita.

"Alam mo yung parang wala kang takot na kahit magpakita sa ‘yo... parang lagi ka pang happy.”

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi rin ni Jak ang pagdalaw niya sa puntod ng namayapang manager kahapon.

Sabi niya sa caption: “Miss you Tay, remembering you on your 1st year in heaven.”

Miss you Tay, remembering you on your 1st year in heaven. ????

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on

BLESSED 2016. Samantala, ayon kay Jak, masuwerte ang taong 2016 sa kanya dahil nabigyan siya ng maraming proyekto sa GMA Network.

“Sobrang blessed. Hindi ko kasi ini-expect na mabigyan ako ng maraming project, like Bubble Gang and Dear Uge. Meron din pong mga movies.”

Ngayong 2017, magandang pambungad sa kanyang karera ang pagkakasali niya sa Meant To Be, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula na mamayang gabi.

Gagampanan niya ang role ni Macoy dela Cruz, isa sa mga manliligaw ng bidang si Barbie Forteza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN