Ken Chan strongly denies rumor that he was caught kissing another man

IMAGE Noel Orsal

His family is the best defense of Ken Chan against allegations that he is being kept by a rich gay benefactor. "E, di pinagalitan ako ng magulang ko niyan. Sobrang bantay-sarado yung magulang ko sa akin. Kahit nga makitulog ako sa mga kaibigan ko, hindi pa rin ako pinapayagan… hanggang ngayon!"


Hindi na raw naaapektuhan si Ken Chan ng mga nagsusulputang intriga tungkol sa kanyang gender.

Pero ikinagulat niyang may tsismis pala na diumano'y may nakakita sa kanya sa isang bar sa Makati na may kahalikang lalaki.

First time daw niyang narinig ito at reaksiyon niya, “Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan.

“Hindi ko po gagawin, lalo na artista po ako, tsaka hindi po ako mahilig mag-bar.

“Hindi po ako mahilig lumabas, taong-bahay po ako at lagi kong kasama yung family ko.

“Imposible… baka kamukha ko lang.

“Kung pupunta man ako ng bar, kung may event ang GMA Artist Center…”

Kapag lumalabas daw siya, ang mga kasama niya ay kanyang mga kaibigan sa GMA, tulad nina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio.

Giit pa niya tungkol sa maling balita tungkol sa kanya, “Hindi totoo, wala!

"Ipakita nila yung picture kung meron.

“Malinis yung konsensiya ko, wala akong ganun.

“Kung gagawin ko man yun, siguro sobrang lasing na ako.

“E, ang problema hindi naman ako nalalasing, hindi ako marunong malasing.”

Umiinom naman daw si Ken, “Pero mataas ang tolerance ko pagdating sa alak.

“Tsaka kapag umaalis ako, ang mga kasama ko, mga artista rin—sina Fabio Ide, sina Katrina Halili, sina Sheena Halili, kami-kami lang.”

At noon pa raw iyon nang magkakasama sila sa Destiny Rose.

Sinigurado rin ni Ken na babae ang gusto niya, hindi bading o lalaki.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Of course!

"I think kaya lang nababalita ako na ganun dahil din sa malaking impact na ginawa ko sa Destiny Rose.

ALLEGATIONS. Tapos na nga ang Destiny Rose, pero nasasangkot pa rin si Ken sa mga isyu ng kabadingan.

Ilang bases na ring nasasangkot ang pangalan niya sa male stars na sinasabing may gay benefactors.

May nagbibintang pa ngang ang bagong bahay ni Ken ay bigay diumano ng isang mayamang bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinaghirapan ko yun,” buwelta nito sa mga intrigero.

Nasa P6 million daw ang halaga ng naturang bahay sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Ken, “Hanggang ngayon, binabayaran ko yun.”

Isang gay politician daw mula sa isang probinsiya ang “sponsor” diumano ni Ken.

“Grabe, hindi yun totoo!” bulalas ng Meant To Be actor.

May isa pang mayamang gay na iniuugnay sa kanya.

“Grabe, ang dami pala, ang yaman-yaman ko na!” at tumawa ang Kapuso actor.

Dagdag pa niya, “Sana totoo!”

Umamin naman si Ken na totoong may rich gay na nag-offer sa kanya ng bahay, pero hindi raw niya tinanggap.

Maliban sa politician daw ito, wala nang iba pang ini-reveal si Ken tungkol sa taong ito.

Hindi rin daw totoo na at one point ay tumira siya sa bahay ng isang mayamang bading.

Saad niya, “E, di pinagalitan ako ng magulang ko niyan.

“Sobrang bantay-sarado yung magulang ko sa akin, tapos titira ako sa bahay ng iba?

“Kahit nga makitulog ako sa mga kaibigan ko, hindi pa rin ako pinapayagan… hanggang ngayon!”

Twenty-three years old at nagtatrabaho na si Ken, hindi pa rin siya pinapayagan ng parents niyang mag-sleepover?

“Totoo yun! Pag kakilala ng magulang ko, pag close, minsan puwede.

“Pero pag hindi, ayaw talaga nila.”

Hindi rin daw totoong may nirentahang bahay ang isang gay at pinatira siya doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN