Katrina Halili says love life is not a priority: "Kaya ko pa."

IMAGE Noel Orsal

Katrina Halili is not in a hurry to meet Mr. Right, but she's not going to wait a lifetime. She says, "Gusto ko rin naman pag tumanda ako may kasama din ako. Gusto ko pag may darating yung totoo na, ayokong mag-waste ng time sa mga hindi totoo. Pagod na ako."


Matagal-tagal na ring walang karelasyon si Katrina Halili mula nang matapos ang relasyon nila ng singer na si Kris Lawrence.

Nagdiwang ng kanyang 31st birthday si Katrina noong January 4.

Kasama ba ang bagong pag-ibig sa birthday wish niya?

Tugon ng Kapuso actress, “Doon na yun sa ano... parang sa huli na ng listahan.

“Puwede rin, gusto ko rin naman ng love life, ayoko naman pong tumanda ng ano, e.

“Nakakainggit naman yung mga may karelasyon.”

Hangad ba niyang matagpuan na si Mr. Right ngayong 2017?

“Hindi naman, not necessarily 2017, puwedeng ano… kaya ko pa.

“Gusto ko po, pag may darating, yung totoo na, ayokong mag-waste ng time sa mga hindi totoo.”

“Sabeeeh!” bulalas pa ni Katrina sabay halakhak. “Pagod na ako.”

Paano siya makakahanap ng karelasyon kung bahay-trabaho-bahay lang siya?

Hindi na nga raw siya lumalabas para gumimik.

Saad niya, “E, nagkataon po busy sa work, tapos happy ako sa family ko, kay Katie, sa mga kaibigan, sa career.

“Pero ayoko namang habang buhay po, hindi ganun, huwag ganun!

"Ayoko, gusto ko rin naman pag tumanda ako, may kasama din ako, may companion."

Si Katie ang anak ni Katrina kay Kris.

Pero ano talaga ang birthday wish niya?

“Birthday wish? Siyempre po marami pang trabaho, tapos gusto kong makabili ng lot sa Tagaytay.

“Para meron akong resthouse pag weekend. Hindi naman yung malaki, maliit lang,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa intimate birthday party niya sa The Brickyard Manila, sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi, January 7.

SA PILING NI NANAY. Samantala, masayang-masaya si Katrina na ilang ulit nang na-extend ang Kapuso afternoon drama series na Sa Piling Ni Nanay, kung saan kasama niya sina Mark Herras, Jillian Ward, at Yasmien Kurdi.

“Seven months na po kami, na-extend po kami ng three months, tapos dalawa o tatlong weeks,” banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, bakit click sa audience ang Sa Piling Ni Nanay?

Ayon kay Katrina, “Nagkataon siguro, natsambahan naming lahat.

“Kasi lahat naman ng project, pinaghandaan, e. Lahat naman ng project, maganda.

“Hindi ko po masabi na magaling kami or ganun. Blessing po na nakuha namin yung gusto ng masa.

“Hindi rin namin masabi kung ano yung secret namin, lahat naman ng project pinagaganda, maganda naman lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN