Daiana Menezes speaks up about her divorce: "I should have done it before."

IMAGE Noel Orsal

Daiana Menezes on he divorce from former Rep. Benjo Benaldo: "I don't regret anything. Siguro I regret the fact na ang tagal akong mauntog, alam mo iyon? It took me so long to actually come up with a decision. I should have done it before. But I didn't regret it, because if I didn't do it, maybe I wouldn't be here."


Naka-move on na totally ang Brazilian actress-model-TV host na si Daiana Menezes mula sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang asawa na si former Cagayan de Oro Rep. Jose Benjamin “Benjo” Benaldo.

Na-grant na rin ng Nevada court noon pang Nobyembre 2016 ang divorce papers na si Daiana mismo ang nag-file, kaya nakakapagsalita na siya tungkol dito.

Ikinasal sila sa Las Vegas noong 2012 at nagtagal ang pagiging mag-asawa nila ng tatlong taon.

Pahayag ni Daiana, “Yes, I was granted the divorce and I am very happy about it.

“The divorce was granted in November, but I have been single for two years.”

Ano ang pakiramdam na na-grant na ang divorce?

Saad niya, “Actually, may mga bagay na nangyayari sa buhay natin, lesson lang iyon.

“I don’t regret anything.

“Siguro I regret the fact na ang tagal akong mauntog, alam mo iyon?

“It took me so long to actually come up with a decision.

“I should have done it before.

“But I didn’t regret it, because if I didn’t do it, maybe I wouldn’t be here.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Daiana sa presscon ng The Fiercest of Them All, na ginanap nitong Lunes, January 9, sa Ka Tunying’s Caf sa Timog Avenue, Quezon City.

Siya ang host ng naturang reality modelling show na may tagline na “craziest modelling competition on TV.”

Magsisimula itong umere sa Marso 5 sa GMA News TV.

LESSONS. Ngayong single na ulit siya, may balak na ba siyang magpaligaw ulit?

Sagot ni Daiana, “Oo naman, tao pa rin ako.

“Siyempre, I need to have someone.

“Pero natuto rin ako na dapat… kasi madaldal ako, e, at saka honest ako, prangka ako.

“Alam ng press iyan, e, that’s why I always get into intrigues, because I always speak the truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, with me naman, I think, yes, I am ready [for a new love life], but I learned to keep my mouth shut when it comes to that.

“So, I won’t be as open about my love life.

“Iyon din ang isa sa lessons na natutunan ko.”

Ano naman ang komento niya sa nagsasabing kaya hindi nagwo-work ang relationships niya ay dahil tine-take advantage o pineperahan umano siya ng lalaki?

Maingat na pahayag ni Daiana, “Uhm, okay… legally, I’m not allowed to talk about it, because my lawyer’s gonna kill me if I say something.

“Pero I’ll just say one thing, I’ve been alone and independent ever since I moved here in the Philippines.

“Nobody else pay for my bills, that’s all I can say.

“Now, nasa tao iyon kung ite-take advantage sila.

“Basta kung mahal kita, I will do everything for you, I’ll buy you a house, I’ll take care of you, that’s it.

“But I won’t put it to myself that I’m a man, I’m a woman, but I’m a person.

“If I love you, I will take care of you.

“Nobody has ever paid a penny for my bills.”

Nakiusap si Daiana na hindi na siya magdedetalye tungkol sa ibang bagay sa kanyang dating asawa dahil nga may kaso pa siyang naka-file sa korte.

Pero masasabi niya ba na yung mga nangyari sa buhay niya, kasama na ang love life at career, ay nakadagdag sa pagiging fierce at matapang niya?

Tugon niya, “Well, I don’t consider myself fierce because if you know me really well, you’ll see na iyakin ako.

“But I learned from my experiences.

“I was always matapang because I came from a broken family.

“My dad has a lot of money but he didn’t help my mom, so I’m the one who takes care of my mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I have to be matapang in that sense, iyon nga, kasi iniwan kami, e.

“I think doon ko nakuha yung pagiging independent, matapang.

“And, I think, that’s the only thing I’m really proud of is that I worked for everything that I have.

“I think that’s the only fierce about me.”


Stories We Are Tracking

Daiana Menezes files for divorce; seeks TRO
Daiana Menezes files for divorce; seeks TRO
Daiana Menezes demands fair share of conjugal business
Daiana Menezes demands fair share of conjugal business
Daiana Menezes confirms divorce from husband
Daiana Menezes confirms divorce from husband

EXCITED TO WORK. Ang divorce nga raw ang tila muling nagbalik sa sigla ni Daiana upang magsipag sa pagtatrabaho.

Gusto niyang simulan ang 2017 na may positibong pananaw sa buhay, lalo na’t nagbabalik siya sa paghu-host sa bagong show sa GMA News TV, ang The Fiercest Of Them All, na mula sa produksiyon ng Overall Productions Inc.

“Right after nung mangyari yun [divorce], ang daming blessings.

“I started working again. Here I am, I’m very excited to work,” aniya.

Ang kakaiba at original concept ng show ay mula sa writer-producer na si Ino Habana at direktor na si Martin Rey Aviles.

Tampok sa reality modelling show ang 12 kababaihan na pinaghalong mga Pinay at foreign beauties na magtatagisan ng husay at tapang upang tanghaling The Fiercest Of Them All.

Ipinagmamalaki nga ni Daiana sa kanyang bagong hosting job at show.

Saad niya, “I’m very proud to be a part of this project.

“And not just proud, I’m very blessed dahil actually pangarap ko talagang maging host sa sarili kong show, pero hindi ko siya in-expect na ganito siya kagaling.

“Alam mo iyon, yung mga kasama namin, talagang mga totoong tao.

“Alam mo iyon, walang buwisit, yeah.

“Nine years na po ako sa showbiz dito sa Philippines, eto yung pinakamagandang project na nagawa ko sa buong buhay ko.

“And Direk, I want to say thank you, because it feels like I shot 13 different movies.

“Pag makita niyo ang material namin, hindi siya biro. Talagang I haven’t seen na for TV that looks like cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m very proud to be a part of it.”

Patuloy ni Daiana, “And the girls, they did so well.

“Kung ako sa kanila, maggi-give up ako, sobra yung mga parusa, grabe.

“So, I hope you guys enjoy the show just as much as the crew and the participants of the show enjoyed it. We became a family.

“So, we’re looking forward for another ten seasons siguro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN