Phoebe Walker lauds MTRCB appointment of fellow sexy star Mocha Uson

IMAGE Glenn Regondola

Phoebe Walker on family's reaction to her MMFF win: "Sobrang proud din naman ang family ko dahil I did a nude film noon na medyo hindi nagustuhan ng parents ko. So, heto, kahit paano ay may bawi. So, kahit paano ay na-justify ko yung decisions ko in the past that led me to this moment now."


Suportado ng sexy actress na si Phoebe Walker ang pagkakatalaga ng sexy singer-turned-blogger na si Mocha Uson bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Opisyal na nanumpa si Mocha, kasama ang iba pang bagong talagang opisyal ng gobyerno, sa Malacanang kahapon, January 9.

Naging kontrobersiyal ang pagkaka-appoint kay Mocha bilang MTRCb board member dahil marami ang tumuligsa rito.


Stories We Are Tracking

Mocha Uson teary-eyed in oath-taking as MTRCB board member
Mocha Uson teary-eyed in oath-taking as MTRCB board member
Mocha Uson ignores critics of her MTRCB appointment
Mocha Uson ignores critics of her MTRCB appointment
Mocha Uson is officially an MTRCB board member
Mocha Uson is officially an MTRCB board member

Pero para sa katulad ni Phoebe, na nabigyan din ng pagkakataong maipakita ang kabilang side ng kanyang imahe bilang sexy star, matapos niyang manalo bilang Best Supporting Actress sa nakaraang Metro Maila Film Festival (MMFF) 2016, dapat din daw bigyan ng pagkakataon si Mocha na patunayan ang kanyang sarili sa posisyong ibinigay sa kanya ni President Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Phoebe, “Kudos lang sa kanya for what she has achieved.

“Given her image sa Mocha Girls, and I used to be in a girl band before, I know the pressures sa pag-entertain ng audience.

“I was part of Eurasia Batch 2, so I know the pressure of pleasing people.

“But, siya, knowing what she has gotten, kudos na lang sa kanya for climbing the right ladder.”

Patuloy ng Viva talent, “Siguro naman, qualified siya kaya siya inilagay dun.

“And remember, she was also the MMFF Ambassadress, di ba?

“She probably possesses the qualities of whatever the position given to her.

“So, ayun, good for her, and also good for anyone naman who makes it, e.

“Let's not pull her down and say na... huwag na yung parang crab mentality.

“Let's support na lang each other.”

Ano ang mensahe niya para kay Mocha ngayong magsisimula na ito sa kanyang trabaho sa gobyerno?

Sabi ni Phoebe, “Good luck, good luck.

“Sana ma-meet ko siya in person, and masaya talaga yung makakahalubilo mo yung people in the industry, di ba?

“And I just wish her all the best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phoebe sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng Viva Entertainment Inc. kaugnay ng kanyang pagkakapanalo bilang MMFF 2016 Best Supporting Actress para sa Seklusyon.

Ginanap ito sa Viva office, sa Tektite Building, Mandaluyong, Pasig City, kahapon, January 9.

STILL ON CLOUD NINE. Samantala, hanggang ngayon ay nasa cloud 9 pa rin ang pakiramdam ni Phoebe matapos niyang manalong Best Supporting Actress sa MMFF.

Saad ng 25-year-old actress, “Medyo ano kasi ako… I cannot say na achiever, pero even in school, parating may target ako.

“Now, masaya ako dahil, at my age, meron nang recognition kaagad, and newcomer pa ako.

“And yung Amazing Race, isang achievement din yun sa akin, and I wanted it when I was twenty-one.

“I thought, yun na yung break ko, but partly, hindi.

“Marami pang factors, and heto na, heto na yung biggest break ko so far.”

Si Phoebe ay sumali at nanalo, kasama ang kanyang boyfriend na si Matt Edwards, sa Amazing Race Philippines Season 2 ng TV5.

Dagdag ni Phoebe, “Masaya talaga ako even now, kasi marami rin ang nagsabing I deserved some sort of recognition for it.

“But then, nung malaman ko na ang mga kalaban ko ay sina Gladys Reyes, Mercedes Cabral, sabi ko, kahit nomination na lang, masaya na ako.

“Tapos, heto, kaya sobrang proud din naman ang family ko dahil I did a nude film noon na medyo hindi nagustuhan ng parents ko.

“So, heto, kahit paano ay may bawi.

“So, kahit paano ay na-justify ko yung decisions ko in the past that led me to this moment now.”

Si Phoebe ay itinampok sa QCinema film festival entry na Gayuma noong 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN