Bryan Termulo explains hiatus in the music scene

IMAGE Jojo Gabinete

Bryan Termulo says he has a fallback if his showbiz career doesn't work out.


Nilinaw ni Bryan Termulo ang espekulasyong tila nawala siya sa sirkulasyon ng showbiz nitong nakaraang taon.

Sadyang tinutukan lang daw niya ang pagtatapos ng kolehiyo sa Trinity University of Asia.

Pahayag ng singer-actor, “Hindi naman talaga matatawag na nawala, kasi from the very beginning, nagte-teleserye na ako at kumakanta ng theme songs.

“Hindi alam ng lahat na nag-aaral ako thoroughly.

“Kumbaga, noong dumating yung ni-label na ako as Prince of Teleserye Theme Songs, second year college na ako sa Trinity. Nag-aaral na ako ng Mass Communication.”

Si Bryan ay first runner-up ng Pinoy Pop Superstar ng GMA Network noong 2007.

Ngunit mas nakilala siya sa pagkanta ng theme songs ng ilang Kapamilya primetime soaps katulad ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Honesto.

Sa ngayon, abala siya bilang co-host sa ABS-CBN News and Public Affairs TV program na Salamat Dok.

“I’m still around, naiba lang ng linya—singer-turned-TV host kasi I’m doing Salamat Dok every Saturday and Sunday.

“Naiintindihan ko kung hindi niyo napapanood dahil ala-sais ng umaga siya.

“More on hosting ako ngayon. I’m doing that isang taon na,” paliwanag ni Bryan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bryan sa presscon ng Megasoft Hygienic Products, kung saan inilunsad siya bilang celebrity ambassador.

COLLEGE DEGREE. Kuwento ni Bryan, nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Communication, at dean’s lister siya sa huling dalawang taon ng pag-aaral niya.

Nakumpleto rin ng 28-year-old singer ang units para sa kanyang supplementary Education course.

Plano ba niyang iwan ang showbiz at magpokus na lang sa ibang karera?

Sagot ni Bryan, “Let’s face it. Sinasabi kasi nila na some people come and go.

“Siguro parang fallback ko, Plan A o Plan B, at least may natapos ako.

“At least ako, na-prove ko sa sarili ko na mawala man [ako sa showbiz], nakapagtapos naman ako ng pag-aaral, at yun ang importante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon si Bryan kung ipagpapatuloy niya ang natapos niyang supplementary Education course sa pagtuturo.

Aniya, “Nasa sa akin kung gusto ko nang mag-take ng board exam.

“I don’t know kung ready na ako [na magturo], pero darating talaga tayo doon.

“Sana dumating yung point na hindi lang driver’s license ang nasa wallet ko kundi PRC [Professional Regulation Commission] license.”

Aminado ang singer-TV host na mas matindi ang kumpetisyon sa industriya ngayon.

“Nandiyan yung showbiz, nandiyan siya forever, pero yung pasok ng trabaho, parang ang daming mga shows na reality shows, and marami rin aspiring actors and actresses na gusto rin i-try.

“Parang for me, na-establish ko na ang sarili ko.

“Ngayon, kung darating pa yung time na dapat ma-accelerate pa ako, magle-level up pa, then so be it.

“Pero kung dumating yung time na talagang kailangan mo nang mag-lie low dahil may mga bago nang future aspiring talents, at least, handa ako dahil nakapagtapos ako ng pag-aaral.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN