Irma Adlawan calls out FDCP Chairperson Liza Diño over Oro controversy

IMAGE Noel Orsal

"When Liza Dino came out, wala nang nagsalita sa kanila. Iniwan na nila kami sa ere," says Irma Adlawan about dog-killing controversy in their movie Oro.


Umalma ang veteran actress na si Irma Adlawan sa ginawang pagpu-post ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Dino tungkol sa Oro controversy, bago pa man ang official meeting ng Metro Manila Film Festival (MMFF) executive committee.

Read: Oro filmmakers under fire for "killing a dog" in the movie

Sa panayam ng News To Go kay Irma at sa direktor ng Oro na si Alvin Yapan ngayong Martes, January 10, napag-usapan ang tila hindi pagbibigay-suporta ng pamunuan ng MMFF sa kanila sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa ipinakitang pagpatay ng aso sa pelikula.

Ayon sa MMFF 2016 Best Actress, hindi naging maganda ang epekto ng pagpu-post ni Liza sa social media.

Aniya, “Ang isyu kasi dito, noong biglang nag-blow up na ang [controversy], is social media.

Actually, sinabihan ko si Liza Dino na hindi mo dapat ipinost sa social media even before makapag-meeting.

Kasi, humingi na po ng meeting ang MMFF.

Sinabi ko talaga na this is the proper venue para tayo ay mag-usap-usap, harap-harapan, alamin kung ano ang katotohanan.”

Bago ang meeting ng MMFF execom,Oro staff, at ang nagrereklamong Philippine Animal Welfare Society (PAWS) noong January 2, nag-post si Liza sa kanyang Facebook account ng tungkol sa reaksiyon niya nang makita ang kontrobersiyal na eksena sa isang screening ng Oro bago pa magsimula ang MMFF.

Katuwiran ni Irma sa epekto ng ginawang pag-post ni Liza, “Kasi, kapag ginamit mo na ang social media, ang dami nang sasawsaw diyan, e.

I mean, for her to be the chairperson of the FDCP, dapat alam niya ang responsibilidad niya.

Hindi siya dapat nagpu-post ng ganun even before conducting an investigation within.

Sinabihan pa siya, kinausap pa siya na, 'Puwede bang mag-meeting muna bago ka mag-react? Pa-explain muna itong side namin kung ano talaga ang nangyari.'

Pero, lo and behold, she used it, ano pa bang magagawa namin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Himutok pa ni Irma, “We were tried publicly even before they actually talked to us.

Pagdating namin sa meeting, wala na, ang dami nang nagba-bash.

I mean, you have to know your responsibility. Sabi nga, with power comes responsibility.”

NAIWAN SA ERE.” Hindi lamang daw ang direktor ng Oro na si Alvin Yapan ang apektado ng pagkondena ng publiko sa diumano'y pagpatay ng aso sa pelikula.

Sabi ni Irma, “Pinagdaanan naming lahat. Lahat po kami ay nagtataka.” 

Diin pa niya, “The point is, all-powerful talaga si Liza Dino.

Somehow, natakpan niya ang selection committee, natakpan niya ang lahat ng mga tao sa [MMFF] Execom. Hindi ko alam kung ano... pati MTRCB.

That's why the first time when this came out, we were being banned, we were being pulled out, parang gusto kong tanungin...

Tinanong ko legally, 'Mayroon po bang say ang MMFF kung papaano magre-rate ang MTRCB?'

Kasi, noong ni-rate kami ng MTRCB, sabi ko, baka naman sinabihan nila na, 'A, hindi, ganito 'yan,' so kaya kami na-PG [Parental Guidance].

Sabi nila, 'No, MTRCB is an independent ano...'

So, nagulat na lang kami na pinagdaanan naming lahat ito.”

Nagpahayag ng pagkadismaya si Irma sa mga pangyayari tungkol sa kontrobersiyang ito.

Aniya, “Suddenly, when Liza Dino came out, wala nang nagsalita sa kanila.

Iniwan na nila kami sa ere. Walang selection committee that backed us up that we were selected.

Walang Execom ng MMFF na nagsabi na 'yan ay isang pelikula na ipinagmamalaki namin at titingnan namin ito.

But Liza Dino talked and everybody shut up.”

Matapos ang meeting, nagdesisyon ang MMFF Execom na maaari pa ring ipalabas ang Oro sa mga sinehan habang isinasagawa ang imbestigasyon, ngunit kailangang tanggalin ang partikular na eksenang tinutukoy ng PAWS sa kanilang reklamo.

WALA AKONG PINATAY NA ASO.” Samantala, nagpaliwanag naman sina Irma at Alvin tungkol sa sinabi ni Liza na may isang taga-Oro raw na nagsabing hindi aso ang ipinakitang kinakatay sa pelikula kundi kambing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk Alvin, “Hindi po yun opisyal na pahayag ng produksiyon.

Nagkataon na pinanood ng publicity committee yung Oro—tapos na yung executive committee, yung selection committee.

"Mayroon po kaming assistant doon na may dala ng hard drive. Tapos, nang makita ni Ms. Liza Dino-Seguerra yung eksena, tinanong yung assistant namin, nataranta siya.”

Dagdag pa ni Irma, “In-admit naman po ito noong meeting, na talagang nagsinungaling siya, humingi siya ng tawad.”

Muli ring idiniin ni Direk Alvin na hindi sadyang pumatay ng aso para sa eksena sa Oro.

Aniya, nagkataon lang ito habang ginagawa nila ang pelikula sa Barangay Gata sa Caramoan, Camarines Sur.

Hindi siya natiyempuhan na para bang, 'Ay, may napatay na aso, puntahan natin, kuhanan ng video.' Hindi ganun.

"Sinabi namin na may papatayin naman na aso, puwede bang kunan namin at dito niyo gawin yung pagpatay.'”

Diin ng direktor, “Hindi talaga namin pinatay yun.”

Ayon pa kay Direk Alvin, ang eksena ay isang simbolismo kaugnay ng isyu ng Gata 4 Massacre.

Ang pinaninindigan ko talaga dito ay may hinuhuli kaming kultura.

Kami naman, karapatan ko yata bilang isang filmmaker to capture a particular reality.

At wala naman kasi akong pinatay at wala akong inutusan na patayin yung aso.”

FILE A CASE. Sa halip na magsagutan sa publiko, hinimok ni Irma na gawin ng PAWS ang kanilang reklamo sa legal na paraan.

Sabi ng aktres, “We were asking PAWS, file the case, then we will answer you.

Sabi namin, file the case.

But they haven't filed up to now because yung sinasabi nilang kanilang witness ay hearsay.

Paano nila kami mapa-file, wala siya dun?”

Diin pa ni Irma, “That is what we're waiting for, file the case.”

Sa katunayan, sabi ni Direk Alvin, hinihikayat nila ang mga kinauukulan na pumunta sa lugar na kanilang pinag-shooting-an para mag-imbestiga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Oro director, “Sabi ko nga sa kanila, puwede silang pumunta mismo doon sa Barangay Gata at mag-interview sila, imbestigahan nila.

“Puwede sila talagang pumunta at welcome na welcome sila doon sa Barangay.”

Sa ngayon, dahil sa reklamo sa Oro, binawi mula sa grupo ang FPJ Memorial Award na iginawad sa kanila sa 42nd Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal noong December 29.

Gayundin, pinatawan ng one-year ban si Direk Alvin at Oro producer na si Shandii Bacolod mula sa pagsali sa MMFF.

Sinubukan ng awtor ng istoryang ito na hingin ang pahayag ni Liza tungkol dito sa pamamagitan ng Facebook messenger, subalit wala pa siyang sagot sa aming mensahe.

Nagpadala rin ng text message ang PEP kay MMFF spokesperson Noel Ferrer para hingin ang reaksiyon ng kanilang pamunuan, ngunit wala pa itong sagot.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ipaabot ng pamunuan ng MMFF, PAWS, at ni FDCP chairperson Liza Dino tungkol sa mga isyung nabanggit sa istoryang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN