Paolo Ballesteros's ex-girlfriend very proud of his achievements

IMAGE Instagram (@mariakatrinanevada)

Paolo Ballesteros and ex-girlfriend Maria Katrina Nevada continue to be the best of friends and amazing parents to their 8-year-old daughter Keira Claire. 


Very proud ang ex-girlfriend ni Paolo Ballesteros na si Maria Katrina Nevada dahil sa acting achievement ng actor-TV host.

Nanalo si Paolo bilang Best Actor sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa kanyang pagganap bilang transwoman sa pelikulang Die Beautiful.

Bago ito ay itinanghal din siyang Best Actor sa 29th Tokyo International Film Festival sa parehong pelikula noong October 2016.

Si Maria Katrina ang ina ng anak ni Paolo na si Keira Claire, 8.

Kasalukuyang naka-based sa Chicago, USA, sina Maria Katrina at Keira Claire.

Ngunit nasa Pilipinas ngayon ang mag-ina para sa sampung araw na bakasyon.

Welcome back kahit 10days lang ????? @mariakatrinanevada #KeiraClaire

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Kahit hiwalay na sila, nananatiling maganda ang relasyon nina Paolo at Maria Katrina.

Sa recent Instagram post nga ni Maria Katrina, tinawag pa niyang “best dad” at “best friend” si Paolo.

Nagbalik-tanaw rin siya sa college days nila, kung saan pangarap pa lang daw noon ni Paolo na maging aktor.

Post ni Maria Katrina: “So proud of him... I remember during our college days, we were just eating lunch at McDonalds and you would tell me your dreams of being an actor.

“But now you're more than just an actor!!! #bestactor #bestdaddy #bestfriend @pochoy_29”

Mapapanood din sa Instagram post ang maiksing video kung saan nagbi-videoke ang dating magkasintahan habang nagbibiruan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN