FDCP Chairperson Liza Diño reacts to Oro actress Irma Adlawan's statement

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

FDCP Chairperson Liza Diño defends social media posts about Oro controversy: "I didn't say anything out of context. Just FACTS."

 


“I am not the ISSUE here. THE KILLING OF A DOG IS.”

Ito ang naging tugon ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino nang hingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang reaksiyon sa pag-alma ng aktres na si Irma Adlawan tungkol sa kanyang social media posts.

Sa panayam ng News To Go kina Irma at Oro director Alvin Yapan, pinuna ng aktres ang pag-post ni Liza bago pa man naganap ang meeting nila kasama ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee at Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ito ay kaugnay sa reklamo ng PAWS sa ginawang pagkatay sa aso sa isang eksena ng MMFF official entry na Oro.

Dahil sa post ni Liza, ayon kay Irma, “We were tried publicly even before they actually talked to us.

“Pagdating namin sa meeting, wala na, ang dami nang nagba-bash.”

Read: Irma Adlawan calls out FDCP Chairperson Liza Dio over Oro controversy

JUST DOING HER JOB. Sabi naman ni Liza, ginawa lamang niya ang kanyang trabaho.

“They will say what they need to say to protect themselves. Given na yun.

“I am just doing my job.

“I've been using social media even before this whole issue happened.” 

Paglilinaw pa niya, “This issue has already blown up way before I released a statement.

“I actually posted because I've been getting so much messages, but walang nag-a-address ng issue.

“I didn't say anything out of context. Just FACTS.”

Sa huling Facebook post ni Liza tungkol sa isyung ito, sabi niya: “MMFF executive committee has limitations on jurisdiction over the ORO issue but FDCP can take this from here on and pursue the matter. THIS IS SERIOUS.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN