Enrique Gil sees no need to put label on relationship with Liza Soberano

IMAGE Noel Orsal / Liza Soberano Instagram

Enrique Gil on relationship status with Liza Soberano: "Parang kami na, para sa akin."


Hindi raw kailangan lagyan ng anumang label ang tunay na relasyon ng onscreen loveteam na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Ayon sa Kapamilya actor, "Sa amin naman, sinasabi ko, alam mo, di naman importante yung label e. It's how you treat each other.

"Parang kapag tinanong ka, 'Oy, ito nga pala asawa ko.' 'Kinasal na kayo?' 'Hindi pa.'

"Pero asawa na yung tawag mo sa tao. It's the same thing."

Nang usisain kung "almost there" na ang estado ng relasyon nila ni Liza, tugon ng binata, "Well, 19 na siya.

"Ako, kahit 24 na ako, you'd be the one to understand.

"As I've said before, kapag meron na, ia-announce ko talaga sa buong mundo.

"Ako pa ba? Gusto kong i-announce yun.

"Sa ngayon, we're really close friends."

Pahabol ng former Dolce Amore star, "Parang kami na, para sa 'kin."

Ngunit dagdag ni Enrique, "She has a lot of priorities now, more than that [relationship].

"I think it's better for her career."

Boto ba sa kanya ang mga magulang ni Liza?

Tugon ng binata, "Gusto naman nila ako, they don't stop us."

SUPPOSEDLY JAPAN TRIP. Dapat ay tutungo sina Enrique at Liza sa Japan nitong New Year, ngunit ang Kapamilya actress at pamilya lamang nito ang natuloy.

Bayad na raw ang lahat maging ang ticket at hotel ni Enrique.

Pero ayon sa actor-dancer, "Nagkaproblema yung visa ko.

"Hindi na-release on time up to the holidays. So, hindi na ako nakasama.

"Hindi umabot yung visa, e, holiday na.

"So, siyempre wala nang pasok yung mga tao. So, hindi ko na makukuha."

Kung sakali raw nakasama siya, Disneyland ang unang pupuntahan nila ni Liza.

"Disneyland yung dream ni Liza. Never pa siyang nag-Disneyland e."

Nais din daw ma-experience ng kanyang ka-love team ang magpunta sa Disney Sea at Universal Studios.

Nabanggit din ni Enrique na sa Japan niya dapat ibibigay ang Chanel Bag na early birthday gift sana niya sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong January 4 ang ika-19 kaarawan ni Liza.

"Dapat isu-surprise ko siya dun. E, naisip ko, baka ma-tax pa ako. So, pina-ship ko na dito."

Nagmula pa raw sa Italy ang nasabing branded bag na nahanap ni Enrique sa tulong ng kanyang pinsan na mayroon gluxury bag shop.

LIZQUEN LOVETEAM. Paano ide-describe ni Enrique ang estado ng love team nila ni Liza, ang LizQuen?

Aniya, "It's going great. The moment na nag-start kami, wala naman kaming ini-expect noon, e.

"Hanggang ngayon, kami pa rin sa mga projects, so it's good na yung mga tao, nagkaroon kami ng espasyo sa puso nila.

"They accepted me and Liza as a team."

Dagdag pa ni Enrique, "Hanggang gusto nila, magbibigay kami."

May bagong pelikula ang LizQuen, ang Valentine's offering ng Star Cinema na My Ex and Whys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN