Mayor Herbert Bautista discourages son Harvey from entering showbiz and politics

IMAGE Glenn Regondola

Quezon City Mayor Herbert Bautista on discouraging his children to enter politics: "Okay to serve, pero not to be politicians. That would be their decisions in the future."


Hindi raw iniengganyo ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sinuman sa kanyang mga anak na pasukin ang mundo ng showbiz o maging ang pulitika.

Partikular na ang kanyang anak na si Harvey Bautista, isa sa dalawang anak ni Mayor Herbert sa kanyang dating partner na si Tates Gana.

Sabi ng mayor ng Quezon City, “A, yeah, I discouraged him.

“Pero wala, e, nasa dugo. Tatay ko, nanay ko, mga kapatid ko.

“Tapos heto, sila na.

“Yung directing, I never thought that all my children want to direct.

“All of them, they want to direct.”

Mas malakas nga raw sa kanyang mga anak ang impluwensiya ng showbiz kaysa sa politics.

Sabi ng 48-year-old actor-politician, “Sa palagay ko naman.

“Ako naman, I [also] discouraged them to go into politics.

“Okay to serve, pero not to be politicians.

“That would be their decisions in the future.”

Pero kung gusto ng mga anak niyang pumasok sa pulitika, wala rin siyang magagagawa.

Saad ni Mayor Herbert, “But I'll tell them kung ano yung ano... yung haharapin nila diyan.

“The most important thing is to, number one is to serve; and the second one is to protect the name of the family.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Herbert sa birthday blowout niya para sa mga January-March celebrators na entertainment writers.

Ginanap ito sa Salu Restaurant, sa Quezon City kahapon, January 10.

Si Harvey naman ay hindi na talaga baguhan dahil naging bahagi ito ng gag show sa ABS-CBN na Goin' Bulilit mula 2011 hanggang 2016.

Pero itatampok siya sa horror movie na Ilawod, kasama sina Ian Veneracion at Iza Calzado.

Humihingi ba ng payo sa kanya ang anak tungkol sa pag-aartista?

Pabirong sagot ni Mayor Herbert, “Dinidedma lang ako ng mga 'yan.

“Pero sa palagay ko naman, kasi when we have conversations, hindi naman direct na, 'O, heto, ha?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Experiential yung sa akin, empirical, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN