Mayor Herbert Bautista advises Kris Aquino to be friends with her exes

IMAGE Nikko Tuazon

Quezon City Mayor Herbert Bautista is retracting the statement he had made about following suit once his friend Vic Sotto decided to get hitched. He said, "Ilang taon siya nang nagpakasal? Sixty-two; 48 pa lang naman ako."

 


Itinanggi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na siya ang nagpadala ng pink balloons sa ex-girlfriend na si Kris Aquino.

Nag-post ang actress-TV host sa Instagram ng larawan ng anak na si Bimby na may hawak-hawak na rosas na balloons.

Ikinuwento pa nito ang childish na banta ng anak na kung sasaktan lang si Kris ng nagbigay ay babarilin niya ito.

Agad na nabuo sa isipan ng marami na si Mayor Herbert ang sinasabing "mystery guy" ni Kris ngayon. Pero itinanggi na ito ng Queen of All Media sa isang panayam.

Reaksiyon naman ng mayor ng Quezon City, “Tinanong nga ako, e, ‘Sa iyo ba galing ang pink balloons?’

“Anong balloons? Saan? E, nakita ko yung 'Happy birthday.'

“Baka may balloon dito. Hindi, hindi sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Herbert sa treat niya para sa mga January to March birthday celebrators mula sa entertainment media.

Naganap ito Martes ng gabi, January 10, sa Salu resto, kasabay ng presscon para sa pelikulang ILawod ng anak niyang si Harvey Bautista.

Posible pa kayang bumalik ang dating namagitan sa kanila ni Kris?

Tugon ni Mayor Herbert, “Nobody knows the future. Magkaibigan kami, magkabarkada kami.”

SUPPORTIVE. Ano naman kaya ang mararamdaman ni Mayor Herbert kung saka-sakaling may magustuhan nang iba si Kris at magkaroon ng bagong boyfriend?

Tugon niya, “I’ll be happy for her.

"Okay sa akin yun kasi dun din siya kumukuha ng strength, dun sa partner niya.

“She has so much inspiration from her children and her family.

“Kung mayroon namang magpapataba at magpapasaya ng puso niya, e, di okay, mas maganda nga yun.”

Dagdag pa ni Mayor Herbert, “She’s trying to recover after the elections, nagkasabay-sabay.

“Nawala si Kuya [former President Noynoy Aquino] niya, nawala yung contract [with ABS-CBN) niya.

“So, she’s trying to recover from that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a friend, I have to be supportive also."

Nagbigay rin ng positibong mensahe ang mayor sa pinagdadaanan ngayon ni Kris, lalo na sa sbowbiz career nito.

Aniya, “Think positive lang dapat. She’s a positive thinker, she has a very strong faith in God.

“Malakas ang support group niya sa pamilya niya, mga kapatid niya.

“So siya, as a person, she has to think positively, hindi puwedeng mag-wallow, ‘Ano ba ang nangyari sa akin?’

“Kailangan, ‘I’m Kris Aquino, I can’t really move mountains but I can move forward from where I stopped,’ positive lang dapat.”

FRIENDS WITH EXES. Paminsan-misan ay lumalabas pa rin daw sila ni at Kris at bago nga matapos ang taon ay nakita silang magkasama sa Chili’s sa Tomas Morato.

Ayon kay Mayor Herbert, “Yeah, yeah… nag-usap kami tungkol sa business permit niya, sa construction permit ng kanyang opisina.

"Trabaho ko naman talaga yun. Hindi lang naman siya ang tinutulungan ko ng ganun, marami din."

Madalas ba silang lumabas na magkasama?

“Labas? Di masyado,” tugon ng actor-politician.

Masaya naman daw siyang magkaibigan sila ni Kris, at isa raw sa ipinayo niya sa ex-girlfriend ay makipagkaibigan sa mga dating karelasyon nito.

Saad ni Mayor Herbert, “That’s what I think I’m trying to do, train her to be friends with her exes.

“Kaya lang, sabi niya, there are things that you cannot bring back... nagkademandahan, di ba?

“How can you bring back the friendship, di ba?

“But it’s good kasi, I think, nung Christmas yata nagkita sila. I mean, it’s good.”

And tinutukoy ni Mayor Herbert ay ang pagkakasundo ni Kris at ng dati nitong asawa na si James Yap, ang ama ni Bimby.

Naimpluwensiyahan ba niya si Kris?

Tanggi ng alkalde ng Quezon City, “I don’t think so.

"I think her family has something to do with it also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Bimby naman he’s growing up, e, and he’s also looking for a father, and his father is just there.

“Without meddling too much in her family affairs, yun lang ang aking ano, tatay niya yun, e.”

NO WEDDING YET. Samantala, sa isang interview ay nabanggit ni Mayor Herbert na kapag ikinasal ang kaibigan niyang si Vic Sotto ay siya na ang susunod.

Ngayong kasal na si Vic kay Pauleen Luna, tila hindi ito matutupad ni Mayor Herbert.

Kambiyo niya, “Of course natuwa ako nung nagpakasal na si Vic Sotto, natutuwa ako sa kanya.

“Ilang taon siya nang nagpakasal? Sixty-two; 48 pa lang naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN