Celebs oppose Nickelodeon's plan to build theme park in Coron, Palawan

IMAGE Instagram

Celebrities like Yeng Constantino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito, and Dionne Monsanto took to social media to oppose a plan to build theme park and resort in Coron, Palawan. 


Kinontra ng ilang artista at personalidad ang plano ng US television network na Nickelodeon na magtayo ng isang underwater resort at theme park sa Coron, Palawan.

Ang Nickelodeon ang TV network na lumikha ng mga sikat na children’s programs, gaya ng Dora The Explorer at SpongeBob SquarePants.

Ayon sa isang statement ni Ron Johnson, executive vice president ng Viacom International Media Networks na nagmamay-ari ng Nickelodeon, napili umano ang Palawan para sa nasabing proyekto dahil ang lugar "is known to have some of the most beautiful beaches in the world today."

Isang 400-hectare amusement park and resort ang planong itayo na magpapakita ng marine life ng nasabing lugar, na kabibilangan ng mga brand at iconic characters ng Nickelodeon.

Kabilang sina Andi Eigenmann, Jake Ejercito, Yeng Constantino, Dionne Monsanto, at ang rock singer na si Dong Abay sa mga nag-post sa social media upang hikayatin ang netizens na makiisa sa petisyon upang hindi matuloy ang planong pagpapatayo ng amusement center sa Coron.

Gumamit pa sila ng hashtag na #CoronIsNotBikiniBottom.

Bikini Bottom ang tawag ni SpongeBob sa ilalim ng tubig.

Post ni Andi sa kanyang Facebook account: “Let us not allow this to happen please. For our children and our children's children.”

Hinimok naman ni Yeng ang netizens na lumagda sa online petition ng www.change.org upang hindi matuloy ang nasabing plano sa kilalang atraksyon sa Palawan.

“Friends sign natin ang petition na ito para marinig ang ating mga tinig na di natin gustong masira ang natural beauty at buhay ng mga marine animals sa Palawan sa pagpapatayo ng Nickelodeon Underwater Park. Sana ay mahinto ito.”

Nanghikayat din si Dionne upang iligtas ang natural attraction ng Pilipinas.

“Sign the petition. Save Philippine Seas. Less than 14,000 signatures to go, guys! It won't take you 15 seconds to sign this petition.”

Sunod-sunod din ang posts ng musikerong si Dong Abay bilang pagkontra sa plano ng Nickelodeon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinontra rin ito ni Jake Ejercito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN