Edgar Allan Guzman misses love team with Maxene Magalona

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman feels blessed to have been given the chance to shine as a versatile actor. With his showbiz career flickering at the moment, he keeps his hopes up: "Sana this year, mabigyan ulit ako ni Lord ng chance na maiangat ulit ang sarili ko."


Inusisa kay Edgar Allan Guzman ang naudlot nilang love team ni Maxene Magalona, na nagsimula nang nagkasama sila sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) ng ABS-CBN.

Magkasama sila ngayon sa Kapamilya afternoon drama series na Doble Kara, pero hindi sila magkapareha rito.

Hindi kaya dahil very open si Maxene tungkol sa boyfriend nitong si Robbie Mananquil at si Edgar naman ay patuloy na iniuugnay sa dating TV5 star na si Shaira Mae?

“Oo, e, parehas kami,” tugon niya.

“Siyempre ako, may panghihinayang.

“Yung mga followers namin sa YFSF, talagang nagustuhan nila ang team-up namin at sinuportahan naman nila kami.

“Siyempre, nanghihinayang, hindi lang kami nasundan ulit ng project.

“Ang last namin, MMK [Maalaala Mo Kaya]. After niyan, wala na, e.

“Nanghihinayang lang ako kasi hindi kami agad nagkaroon ng project.”

Hindi kaya naging hadlang ang personal relationships nila kaya hindi naudlot ang kanilang tambalan? 

Ayon kay Edgar, “Hindi naman siguro.

"Kasi kung talagang merong chemistry yung artista, bakit mo iisipin na kasi may boyfriend?

“Wala rin naman sa ganun yun, e. Kung talagang bibigyan ka ng chance, ibibigay sa ‘yo.”

Ayaw naman nang pag-usapan ni Edgar ang relasyon nila ni Shaira Mae.

“Kasi nasasaktan ako sa mga naririnig at nakikita ko, yun lang,” matipid niyang sabi.

Pero kamakailan lang ay nakita sina Edgar at Shaira Mae na magkasama sa isang sinehan.

Ngunit tumangging magkomento rito ang aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Tatlong Bibe, sa Max’s restaurant, sa Roves Avenue, Quezon City, noong January 9.

FAMILY OBLIGATIONS. May nabasa raw si Edgar sa isang tabloid na gustong malaman kung ano na ang nangyari sa pangako nitong bibigyan niya ng bahay ang kanyang mga magulang.

Pagbabalita ng aktor, “Well, gusto kong sabihin na nakabili ako ng lupa para sa pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga this year, raket ako nang raket, trabaho ako nang trabaho para makapagpatayo ako sa pangarap ko.

“Ang sarap sa feeling… this year or next month, gusto kong magpagawa na ng bahay.”

Sa ngayon daw, nagrerenta lang sila ng bahay sa Pasig at malapit lang dito ang nabili niyang lupa.

Okey sila ng pamilya niya?

Tugon ni Edgar, “Okey kami ng family ko dahil kung hindi kami okey, wala ako sa poder nila, di ba?

“Ako naman kasi, alam ko na meron pang iaangat. Alam ko na meron pa akong brighter future…

"I’m happy, maraming blessings pa rin.

“Si Lord, hindi ako pinapabayaan, hindi binabayaan ang pamilya ko.”

ALWAYS INSPIRED. Ang Tatlong Bibe ay idinirek ni Joven Tan at ipalalabas sa March 1.

Isinali sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang naturang pelikula, pero hindi ito nakapasok sa walong official entries.

Nanghinayang ba si Edgar?

Tugon niya, “Oo, sobra! Maganda kasi ang material, although magaganda rin ang nakapasok ngayon.

“Prestihiyosong festival yung MMFF, so kung makakasama ka, para sa akin, maganda para sa isang aktor o artista.

“Hopefully, this year, may mga pelikula akong magawa na makasama rin.”

Kilala rin si Edgar as an indie actor, mas na-inspire ba siya sa pamamayagpag ng indie films ngayon sa MMFF?

Saad niya, “Actually, hindi naman dahil sa MMFF kaya ako na-inspire.

“Palagi naman akong inspired na gumawa ng pelikula at magagandang pelikula.

“Gusto ko namang gumawa talaga at gusto kong mabigyan ng break.

“Yung akin na pelikula so, ako, looking forward to that.

“Sana sa MMFF, magkaroon ako ng entry.”

Drama ang Tatlong Bibe at ang mahalaga kay Edgar ay may aral ito para sa lahat, lalo na sa pamilya.

Kuwento niya, “May pamilya ako rito… naglayas… hanggang sa nakilala ko si Marco Masa.

“May kasama siyang bibe… na gusto kong patayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit bata siya, kahit mga hayop, mahal niya; doon niya ako tinuruan.

“Araw-araw binibigyan niya ako ng lesson ng pagmamahal sa kapwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN