Harvey Bautista names his five most beautiful actresses

IMAGE Noel Orsal

Harvey Bautista, Mayor Herbert Bautista's son, enumerates the five female celebrities he finds most beautiful. 


Aminado ang newbie actor na si Harvey Bautista na wala siyang crush sa showbiz sa ngayon.

Si Harvey ang 13-year-old na anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa dating partner nitong si Tates Gana.

Sa dami ng magagandang teen stars sa showbiz, bakit wala siyang magustuhan sa mga ito?

Pahayag ni Harvey, "I never really had a showbiz crush before.

"Mostly sa school siya. Kasi sa showbiz, minsan lang kayo magkikita.

"Sa school naman, kita ko almost every day."

Pero sa school ba, hindi naiilang sa kanya ang girls, lalo na't kilalang celebrities ang kanyang pamilya?

Aniya, "I don't know, they don't really tell me.

"I used to have a lot of crushes sa school po.

"Ganun lang po."

Hindi na niya nabanggit kung may niligawan ba siya sa mga ito o hanggang tingin na lang siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Harvey sa blowout ng kanyang ama para sa entertainment writers na may birthday ng January to March, na ginanap sa sa Salu Restaurant, Quezon City, noong January 10.

FIVE MOST BEAUTIFUL. Ganunpaman, nagawa pa ring magbigay ni Harvey ng limang babaeng artista na sa tingin niya ay pinakamaganda.

Kasabay ang paliwanag kung bakit sila ang napili niya.

Ang unang choice niya ay si Kathryn Bernardo.

Ayon sa dating Goin' Bulilit mainstay, "Beautiful siya and she's smart.

"And, you know, hindi siya awkward na makasama.

"And makulit din in a way.

"Mahilig siyang mag-socialize."

Ang pangalawa sa listahan niya ay si Andrea Brillantes.

"Nakasama ko na po siya sa Goin' Bulilit, ang kulit niya!

"Pero hindi siya makulit sa boys, makulit siya sa girls."

Pangatlo raw si Liza Soberano.

Ani Harvey, "Maganda po siya, natural actress.

"And she looks smart.

"I think she's smart."

Lalo pa nga raw na binansagan itong 2nd Most Beautiful Woman in the World ng isang website.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Iza Calzado, na kasama niya sa upcoming horror movie na Ilawod, ang pang-apat sa listahan ni Harvey.

"Nakasama ko nga siya, and she's really fun to be with.

"Mahilig po siyang mag-joke, and she has a lot of stories ng acting career niya, kasi ang tagal na niya sa industriya.

"Ayun po."

Ang panglima't panghuli niya sa listahan ay si Alexa Ilacad.

Ayon kay Harvey, "Nakasama ko rin po siya dati.

"She talks to me a lot nung bago pa ako.

"And mabiro po siya, even when magga-graduate na po siya, she still talks sa mga bago sa Goin' Bulilit.

"So, ayun."

Sinabi rin ni Harvey na masyado pa siyang bata para magka-girlfriend, kaya focus daw muna siya sa career at studies.

Kasama rin nina Harvey at Iza si Ian Veneracion sa Ilawod, na idinirek ni Dan Villanueva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN