Lyca Gairanod opens up about changes in her life after winning The Voice

IMAGE Noel Orsal

Despite her popularity and changes in her life, Lyca Gairanod still does not forget where she came from. She says, "Alam niyo po ba, di ba po, yung iba hindi na binabalikan ang dating bahay kung saan nanggaling? Ako po, binabalik-balikan ko po. Tapos, pinupuntahan ko po."


Tatlong taon makalipas tanghaling grand champion ng first edition ng The Voice Kids sa Pilipinas, kitang-kita ang malaking pagbabago sa buhay ni Lyca Gairanod at sa kanyang pamilya.

“Siyempre po. Nagkaroon na rin po kami ng bahay, sasakyan,” pagkumpirma ni Lyca nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Tatlong Bibe noong January 9.

Nasa bangko raw ang napanalunan niyang isang milyon, pero pagtungtong niya ng 18-anyos at saka pa lang niya ito maaaring makuha.

Labindalawang taong gulang na ngayon si Lyca.

Kaya ang pang-araw-araw na ginagastos daw niya ay mula sa mga kinikita niya sa pagkanta.

Bukod sa bahay, sasakyan, ilang bansa na rin ang napuntahan ni Lyca.

“Nakapunta na po ako sa Canada, Australia, Brunei, Singapore.

"Sa Singapore po, pabalik-balik po ako," sabi ng young singer.

Sa sarili niya, ano ang mga nakitang pagbabago ni Lyca?

Tugon niya, “Siyempre po, marami na po ang nagpapa-picture sa akin.

“Tapos, kapag nagpupunta po ako sa mall, marami na ang nagtitilian, humahabol po.

"Dati po kasi, naglalakad lang ako, wala namang humahabol sa akin.

“Tapos ngayon po, marami na po ang nagpapa-picture sa akin.

"Siyempre po, yung mga blessings po.

“Napakasaya ko po kasi yun po ang ibinigay ni Lord na blessing sa akin.”

Nasa Grade 4 ngayon si Lyca sa Eton School.

Magkaklase sila ni Ryzza Mae Dizon, pero hindi pa raw sila nagkikita dahil online schooling siya.

Dalawang taon din daw siyang nahinto sa pag-aaral nang sumali siya sa The Voice Kids, kaya kahit Grade 4 pa lang siya ay 12 years old na siya.

STILL THE SAME. Sa ginanap na presscon ng Tatlong Bibe, iisa halos ang naging komento sa kanya ng entertainment press: mas gumanda si Lyca ngayon.

Ano ang pakiramdam niya sa mga ganoong komento o papuri sa kanya?

Sagot niya, “Siyempre po, sobrang saya po. Masaya po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Face lang po ang nagbago, pero ang ugali ko, ganun pa rin po.

"Kung ano po ang ugali ko noon, yun pa rin po ang ugali ko ngayon."

Hindi naman niya nariringgan ang mga dati niyang kalaro o kakilala na nagsasabing yumabang o lumaki na ang ulo niya?

“Hindi po,” sambit ni Lyca.

“Alam niyo po ba, di ba po, yung iba hindi na binabalikan ang dating bahay kung saan nanggaling?

"Ako po, binabalik-balikan ko po. Tapos, pinupuntahan ko po."

Sa Cavite nakatira noon sina Lyca. Pero ngayon ay sa napanalunan niyang bahay mula sa Camella Homes na sila nakatira.

Kuwento pa niya, “Nakikipaglaro pa rin po ako sa mga kaibigan ko dati.”

Noong nakaraang Pasko at Bagong Taon, bumalik din ba siya?

“Opo,” sagot niya.

“At saka, noong pagkapanalo ko po, nagpa-feeding program din po kami.”

Siyam na magkakapatid sina Lyca at wala pa raw may asawa sa mga kapatid niya.

Si Lyca ang panglima at ang bunso raw nila ay isang taon pa lamang.

Kung may nabago sa pamilya nila, ano ang mga ito?

“Siyempre po, nakakapag-aral na rin po ang mga kapatid ko, nakakapag-aral na rin po sila nang maayos.

"Nag-e-enjoy po sila. At siyempre po, nakakapag-aral na rin po ako.

“Dati po kasi, hirap po talaga kami, wala po kaming pera pang-ano sa school.

"And ngayon po, scholar po ako sa Eton."

Siya raw ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN