Alex Gonzaga reveals Piolo Pascual played Cupid for her and BF

IMAGE Instagram (@cathygonzaga and @almiraliwag_taftw)

Alex Gonzaga reveals in an Instagram post that it was because of Piolo Pascual that she now has a love life. (Right photo) Alex with her rumored boyfriend Mikee Morada. 


Ibinahagi ni Alex Gonzaga na si Piolo Pascual ang nagsilbing tulay o “bridge” sa kanila ng kanyang rumored boyfriend na si Mikee Morada.

Sa Instagram post niya ngayong Huwebes, January 12, binati ng Kapamilya comedienne-TV host si Piolo, na nagdiriwang ng kanyang ika-40 birthday ngayon.

Pinasalamatan ni Alex si Piolo na aniya’y nagsilbing "cupid" sa kanyang buhay.

“Happiest birthday Papa P!! Thank you for playing cupid for us.. pasensya ka na rin at nabasted kita noon hehehe praying for more happiness and blessings for you!!!! #TheBridge”

Sa comments section, may mga netizen na bumati at nagpasalamat din kay Piolo dahil sa pagiging “bridge” nito upang maging masaya ngayon si Alex.



November 2016 nang mapabalita ang “mystery” guy sa buhay ni Alex.

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang Instagram posts ng dalaga kasama ang rumroed boyfriend, na magkayakap at magkasama sa mga espesyal na okasyon.

Bukod kay Alex, bumati rin ang dalawang dating leading ladies ni Piolo na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa kanyang kaarawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN