Alden Richards takes a break from work today

IMAGE Rene Mejia for YES!

"All day in bed day," says Alden Richards on Twitter after his post from the hospital.


Tila hindi mapapanood ng fans si Alden Richards sa Eat Bulaga! ngayong araw, January 13.

Naospital ang Pambansang Bae ng Kapuso network, base sa post niya sa Twitter kagabi, January 12.

Hindi tinukoy ni Alden ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital,

Subalit sa isang Facebook account ng isang AlDub fans club, may isang nakapagsabing nagtungo sa ospital si Alden para magpa-check up.

Ito ay matapos ang event nila ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza para sa iniendorsong produkto.

Samantala, kaninang umaga, January 13, nagpahiwatig ng buong araw na pahinga si Alden.

Aniya, “All day in bed day.”

https://twitter.com/aldenrichards02/status/819688851799035904

Kilala sa industriya si Alden bilang workaholic, na halos araw-araw ay may schedule at bihira lamang magpahinga.

Dahil dito, muling pinalalahanan ng fans si Alden na maghinay-hinay lang sa trabaho at alagaan nang mabuti ang kanyang kalusugan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN