Robin Padilla reunites with wife Mariel and their daughter

IMAGE Instagram (@mabinofficial and @robinhoodpadilla)

After almost three months of separation, Mariel Rodriguez finally reunites with husband Robin Padilla, together with their daughter Isabella. 


Nakabalik na ng Pilipinas si Mariel Rodriguez, kasama ang two-month-old na anak nila ni Robin Padilla na si Maria Isabella.

Sa Amerika isinilang ni Mariel ang panganay nila ng mister niyang si Robin.

Nag-post ang aktor sa Instagram ng mga larawan ng kanyang mag-ina ngayong Biyernes, January 13.

Kalakip ng isang larawan ng anak, caption ni Robin: “She came home and the whole sky became a rainbow.”

She came home and the whole sky became a rainbow

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Nag-post din si Robin ng picture ng kanyang mag-ina at inilarawan ang dalawa bilang mga "reyna ng tahanan."

Hindi tinukoy kung kailan dumating sa Pilipinas si Mariel at ang anak nila ni Robin, subalit may mga larawan at videos na nai-post sa social media tungkol sa pagdating ng mag-ina nitong Miyerkules, January 11.

Family Picture ????‍????‍??????

A photo posted by Robin & Mariel Padilla (@mabinofficial) on

Lumipad si Mariel sa US noong September upang doon manganak.

Hindi naman nakasunod si Robin dahil hindi ito nakakuha ng U.S. Visa.

Samantala, ilang mga kaibigan nina Robin at Mariel ang bumati sa kanila ngayong magkakasama na sila; kagaya nina BB Gandanghari, Vina Morales, at Nicole Hyala.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN