Ian Veneracion still attracted to other women... and his wife knows it

IMAGE Noel Orsal

Accomplished actor and painter, a husband in love with his wife, and a dad who adores his children, Ian Veneracion seems happy the way things are. And now that he's suddenly famous, he says, "Di ko ma-gets… Alaskado nga ako sa mga anak ko, e, pero I'm really, really thankful."


Sunud-sunod ang proyekto ngayon ni Ian Veneracion kasama ang mga naggagandahang lead actresses ng ating bansa, katulad nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Bea Alonzo.

Hindi naman daw ito isyu sa asawa ni Ian na si Pam Gallardo.

Pahayag ng Kapamilya actor, "Malaki ang tiwala niya sa akin.

"Sabi niya sa akin, 'Bahala ka, malaki ka na. I trust your judgment.’

"Alam naman niya nasa akin na yun, kahit walang tukso, kung gagawa ako ng paraan.

"Kilala naman niya ako."

Hangad nga raw ni Ian na panghabambuhay na ang pagsasama nilang mag-asawa.

Nakangiting sabi niya, "Wish ko siyempre forever na… sana hanggang sa mamatay na.

“Yun naman ang wish ng kahit sinong mag-asawa, di ba?"

Pero bilang lalaki, minsan ay napapalingon pa rin siya sa magagandang babae.

Pag-amin ni Ian, "Oo naman, alam naman 'yan ng asawa ko.

"Alam naman lahat ng asawa ko na I appreciate...

"As an artist, as a painter, as an actor, I appreciate beauty."

Sino naman ang gusto niyang ipinta sa mga artistang babae?

Sagot niya, “Si Liza [Soberano].

"Napakaganda ng mukha, napakaganda ng aura.

"Siyempre nakaka-appreciate ako ng beauty, kahit sino namang may asawa.

"The fact na nag-asawa ka, ibig sabihin nun ay naa-appreciate mo ang female beauty."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian sa grand presscon ng pelikulang Ilawod, na ginanap sa Shang-rila Restaurant, sa West Avenue, Quezon City kahapon, January 12.

SENIOR HEARTTHROB. Ano ang masasabi ni Ian sa pagsikat niya ngayon bilang isa sa mga senior heartthrobs, na kinabibilangan nina Richard Gomez, Richard Yap, Gabby Concepcion, at Albert Martinez?

Sagot ng 41-year-old leading man, "How do I feel about it?

"Kunyari si Jodi, niloloko ako, tapos si Iza.

"Di ko lang alam, di ko ma-gets, pero I'm really, really thankful.

"Because if it means na mas marami ang manonood ng projects, e, di mas masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Alaskado nga ako sa mga anak ko, e.

"Kunyari, nakakita sila ng billboard sa Bench sa Edsa, nadadaanan namin.

"'Grabe, Dad, pa-cute ka diyan, pa-cute ka!'

"Ako naman, 'Hayaan niyo na, hayaan niyo na, tumatanda na nga, hayaan niyo na akong magpa-cute.'

"So, ayun, tawanan lang kami."

Tatlo ang mga anak ni Ian sa kanyang asawang si Pam: sina Draco, 18; Deirde, 16; at Lucio, 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN