Tommy Esguerra worried about being called 'Daddy' by Miho Nishida's daughter

IMAGE Noel Orsal

"Sana umangat pa kami bilang isang love team, isang totoong relationship," says Miho Nishida about her relationship with boyfriend Tommy Esguerra.


Aminado ang celebrity couple na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida na hindi laging 'smooth-sailing' ang kanilang relasyon.

“No relationship is smooth, let's be honest. Whether friends, family, girlfriend-boyfriend. Steady lang,” sabi ni Tommy nang makausap sila ni Miho ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng pelikulang Foolish Love kahapon, January 12.

Pero sa isang taon nilang pagsasama, marami naman daw silang natutunan sa isa't isa.

Sabi ni Miho tungkol kay Tommy, “Marami kaming natutunan at nakilala ko siya, nakilala niya rin ako.

“Sana magkaano pa kami, you know, umaangat pa kami.

“Parang help each other para umangat pa kami bilang isang love team, isang totoong relationship.”

#FoolishLoveMovie actors Tommy Esguerra and Miho Nishida.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

BUMPY RIDE. Sa tunay relasyon ng magka-love team na mas kilala bilang ToMiho, mas madalas daw na problema nila ay miscommunication.

Nasaksihan namin ito nang sagutin ni Tommy ang tanong ng PEP kung ano ang pakiramdam niyang tinatawag na siyang “daddy” ng anak ni Miho na si Aimi.

Sabi ni Tommy, “I'm a little... Like, it's a warm feeling, di ba?

“Pero you always want to be careful with those things.

“I don't want her to really feel that I'm her father.

“What if things don't work out with me and Miho?

“I don't just break up with Miho, I'm also breaking up with her daughter.

“Then, the daughter is losing a father, di ba?”

Patuloy pa ng model-turned-actor, “I've had that own problem in my life with my father leaving, it would be heartbreaking if my stepfather left my family when we were young din.

“I don't wanna do that also with Aimi.

“So, I always try... Siyempre, it's a warm feeling that he calls me that, pero I'm, like, I can't tell her anything.

“So, I just try to keep a little bit of a wall, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But she knows that... You don't want her to believe that I'm the father if it's not for sure, kapag hindi ka sigurado.”

Dahil sa sagot na ito ni Tommy, napatingin sa kanya si Miho at nagtatakang tinanong ang boyfriend: “So, hindi ka sigurado? Hindi ka sigurado? What? Can you explain?”

Natatawang paglilinaw naman ni Tommy, “No, no... it came out wrong, but I hope you guys understand what I mean.”

Biniro namin sina Tommy at Miho na yun na ang halimbawa ng miscommunication nila.

Nakangiting sabi ni Miho, “Yeah.”

TOMIHO FOREVER? Gayunman, umaasa si Miho na hanggang sa huli na ang relasyon nila ni Tommy.

Aniya, “Sana, siyempre. Gusto ko lang din na positive tayo.

“At saka, siyempre, ayaw ko rin na papalit-palit ng boyfriend. Siyempre, sana siya na.” 

Pagsang-ayon ni Tommy, “Ayaw ko din yun.”

Pagdating naman sa pagiging tatay ni Tommy sa  anak niyang si Aimi, sabi ni Miho, “Siyempre, para sa akin, may konting kaba, na totoo na ba o okay ba sa kanya na maging tatay siya?

“Siyempre, iniisip ko na sana okay din sa kanya. Kasi, for me, okay din.”

Pero tila hindi pa handa ang dalawa na dalhin sa next level ang kanilang relasyon.

Ayon sa magkasintahan, gusto raw muna nila mag-focus sa kani-kanilang showbiz career ngayong 2017.

Sabi ni Tommy, “Only will time will tell.

“We're talking about this year that we really wanna focus on building ourselves.

“Like, with me, my Tagalog, my body, my dancing or singing or kahit ano.

“Si Miho rin, she'll work on her English, sa dancing and singing.

“That's a big step, 'no, so we'll see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN