Rita Avila denies Gelli de Belen was 'killed' in their soap because of their rift

IMAGE Noel Orsal

Idinaan ng aktres na si Rita Avila ang pagtanggi sa isyung kaya raw pinatay agad ang karakter ni Gelli de Belen sa dati nilang primetime series na Magpahanggang Wakas ay dahil nagkaroon sila ng alitan. At dahil mister ni Rita ang isa sa mga direktor ng teleserye, kaya si Gelli raw ang natanggal.


Itinanggi ni Rita Avila na siya ang dahilan kung bakit mabilis na nawala o pinatay ang karakter ni Gelli de Belen sa katatapos lang na primetime series ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas.

Ang Magpahanggang Wakas ay pinagbidahan nina Jericho Rosales, John Estrada, at Arci Munoz.

Ayon sa mga naging usap-usapan, kaya raw “pinatay” agad ang karakter ni Gelli ay dahil may away raw sa pagitan nila ni Rita.

At natural daw na si Gelli ang nawala dahil ang isa sa direktor ng Magpahanggang Wakas ay ang mister ni Rita na si F.M. Reyes.

Sa kanyang Instagram post kahapon, January 12, itinanggi ni Rita ang akusasyong ito.

Kalakip ang larawan nilang dalawa ni Gelli, ito ang pahayag ng aktres sa kanyang IG post:

“Sorry, pero minsan ang mga taong inosente, nagkaka ‘krimen’ dahil sa pag-iisip ng ibang tao.

“Sa saya namin nila Gelli at ng aming mga direktor sa mga eksenang ginawa namin, nakakagulat na napag-isipang nagkagalit kami ni Gelli kaya siya ‘pinatay’ agad sa istorya.

“Wala pong naganap na away sa amin.

“Wala din pong koneksiyon kung asawa ko ang direktor. Wala sa kamay ng asawa ko ang ‘pumatay’ ng karakter.

“May creative grp, writers at management na nagdedesisyon dyan. Kaming lahat ay maayos na nagtrabaho.

“In fact, my husband appreciates Gelli so much for being sport and game sa mga eksena.

“Ako po ay artista lamang na sumusunod sa script.”

Sinagot din ni Rita ang isang follower niya na nagsabing ganun daw talaga kapag ang artista ay ayaw at kinakiinisan, ginagawan ng bad issues.

Pahayag ng aktres, “Hindi ko ibaba ang dignidad namin dahil lang aktres kami.

“Oo, ang intriga ay di mawawala.

“Pero ako ay maayos na nagpapaliwanag para sa mga taong maayos din ang pag-iisip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN