Iza Calzado declares she's ready for marriage, but not this year

IMAGE Noel Orsal

Iza Calzado admits she and boyfriend Ben Wintle have wedding plans, and that will happen "soon enough." But she's not rushing. "People get married because they wanna have a baby right away. I don't want to have a baby right away," she says.


Inunahan na ni Iza Calzado ang entertainment press sa pagsasabing wala pang engagement o wedding proposal na nagaganap sa pagitan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Ben Wintle.

Nagbakasyon kasi ang aktres kasama ang boyfriend at ang pamilya nito nitong nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa England sila noong Pasko at sa Switzerland naman sila noong Bagong Taon.

Apat na taon na raw siyang kasama ang Wintle family tuwing Kapaskuhan.

“Hindi pa po!” natawang pauna ni Iza sa press na dumalo sa presscon ng horror film na Ilawod kahapon, January 12.

“Buti na lang, ang dami na,” pagtukoy niya sa halos magkasuod na engagement ng showbiz couples na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at Coleen Garcia at Billy Crawford bago magtapos ang taong 2016.

Ayaw niyang sumabay sa bandwagon?

“Oo, I never liked that,” sagot ni Iza.

Kailan naman kaya siya magiging Mrs. Wintle?

“Malapit na, hindi naman tayo nagmamadali. Nag-iipon pa tayo.

“Mas ready na ako ngayon... o, hindi niyo ako naririnig na nagsasalita ng ganito, ha!” natawa niyang sabi.

Dagdag ni Iza, “Mas ready na ako, tinatanggap ko na.”

Pinag-uusapan naman na raw nila ni Ben ang tungkol sa kasal.

“Oo naman… hayaan niyo, malalaman niyo rin naman, one day. But not this year.”

Proposal?

“Malay ko sa kanya, baka this year,” sabi niya.

NOT IN A HURRY. Naging masaya naman daw ang bakasyon nila ng boyfriend.

Unang beses daw maranasan ni Iza ang white Christmas.

Kuwento niya, “Ang saya kasi first time kong mag-ski, first time kong mag-celebrate ng Christmas sa malamig na lugar.

“It’s a wonderful experience talaga.”

Biro kay Iza, baka naman nasa snow pala ang engagement ring.

Natatawang hirit naman niya, “Kaya pala nandun, lumuhod, pero tinulungan lang akong makabangon, paakay lang!” 

Sina Anne at Erwan ay nagkaroon na pala ng secret engagement, baka ganoon din sila ni Ben?

Saad ni Iza, “One month lang naman nilang inilihim, ibigay niyo na sa kanila yun.

“Pero waley, waley talaga, at feeling ko, hindi ko na masyadong isi-secret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Anne din naman, one month lang, tapos inilabas din nila agad.

“Hindi na kailangang i-secret lalo na at may edad ka na.”

Paliwanag pa niya, “Maganda rin ang timing na huwag muna…

“Hindi ko kasi talaga sasabayan yung mga maraming nag-engage.

“Ayoko naman na pinag-uusapan ang mga shows ko, tapos kaakibat nun, e, about my wedding.

“Gusto ko talaga na the time I’ll announce I’m engaged or finally to get married, it would have its moment.

“E, di kung ngayon, nasapawan siya ng A Love to Last and Ilawod.”

Ang A Love to Last ay ang bagong teleserye nila nina Bea Alonzo at Ian Veneracion sa ABS-CBN, at ang Ilawod naman ay ang horror film nila ni Ian. 

Patuloy ni Iza, “Career ko talaga, fight ko ‘to.

“Maganda rin para sa akin na hindi muna nagsabay-sabay.”

Handa namang maghintay si Ben?

Sagot ng 34-year-old actress, “Oo, at saka hindi rin naman siya nagmamadali kasi nga, ang focus din niya hanggang ngayon, yung Booky [online restaurant finder].

“Pinag-uusapan naman namin na we’re not in a hurry to have kids naman, so what’s the hurry for a wedding?

“But it will happen soon enough… people get married because they wanna have a baby right away.

“I don’t want to have a baby right away.”

CAREER GOALS. Marami pa raw gustong magawa si Iza.

“Dyusko, marami pa sa mga gusto kong mangyari.

“Pero ‘wag na nating pag-usapan, goals ko siya.

“Marami pa akong gustong pelikulang gawin, marami pa akong role na gustong gampanan.

“I’d like to make a play this year, maybe I’d like to do another film.

“Every chance I have to study talaga, gagawan ko ng paraan yun, continuous pa rin.

“Sa L.A. [Los Angeles] kasi, ang sarap nga sana kung dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung weekend kapag wala kang trabaho, ang saya sanang humanap ng weekend workshop.

“Kung meron lang dito, kasi sa States meron. Once a week ka, tapos schedule lang.”

Kasama pa rin sa mga gusto niyang gawin ang subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood?

Ayon kay Iza, “Bakit hindi, kung para sa akin, bahala na si God.

“Ang gusto ko lang namang gawin, puwedeng regional, international, wherever it is that will take me.

“Bahala na si God. At the end of the day, I can only do so much.

“Kung para sa akin siya, para sa akin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN