Angeline Quinto admits loving a man who did not love her back; was it Coco Martin?

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto will only admit she endured for almost two years loving a man who did not love her back. She did not name the man. Was it Coco Martin?


Inamin ni Angeline Quinto ang pinaka-tangang ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig.

Lahad ng Kapamilya singer-actress, “Hiya ako, e... nasubukan ko hong magmahal nang mahigit isang taon.

“Alam kong masaya na siya sa iba, kahit parati kong nakikita na may partner na siyang bago.

“Minahal ko pa rin siya nang one year mahigit, hindi ko na pinaabot ng two years.

“Bumigay na rin po ako bago mag-dalawang taon, ayoko na, okey na yun.”

Si Coco Martin ba ang tinutukoy ni Angeline?

Ayon kay Angeline, “Bakit si Coco? Hindi ko alam, e.

“Nagulat lang ako sa tanong ninyo... ang tagal na nung tapos.

“Si Coco pa rin yung tinatanong ninyo sa akin.

“Hindi ko alam!” at humahalakhak pa niyang bulalas. “Ayoko na!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa presscon ng pelikulang Foolish Love, na ginanap kagabi, January 12, sa Valencia Events Place.

ONE-WAY LOVE. Dalawa ang na-link kay Angeline, so far, sa entertainment industry.

Si Coco, na nakasama niya sa pelikulang Born to Love nong 2012.

At si Erik Santos, na madalas niyang nakakasama sa mga concert abroad at sentro rin ng usap-usapang may mutual understanding na sila.

Naging sila ba ni Coco?

“Secret,” mabilis na tugon ni Angeline.

"One way" lang daw ang sinasabi niyang minahal ng dalawang taon, at alam daw nito na mahal siya ni Angeline.

“Pero mas gusto niyang gawin yung mga bagay na gusto niya lang... parang ganun.”

Nalaman ba ng lalaki na nasaktan siya?

Sagot ni Angeline, “Opo, nalaman niya, mabait siya. Willing siyang makipag-usap.

“Pero nag-stop na po ako, e, ayoko na lang pag-usapan kasi.”

Maayos ba naman sila ngayon?

“Minsan okey, minsan hindi… ang gulo, e.

“Kung okey sa kanya, okey; kung hindi, e, di hindi.”

Mula sa pagiging Star Magic talent, lumipat si Angeline sa Cornerstone Production and Management.

Natawa si Angeline sa tanong kung ang frustration niya sa pag-ibig ang dahilan ng paglipat niya ng management team?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod niyang bigkas, “Bakit ganun? Bakit ganun?

“Parang nagdudugo na ang mata ko at ilong ko sa mga tanong.”

Sa huli ay umamin na si Angeline.

“Medyo po, isa sa mga dahilan, hindi ko maitatago yun.”

Marami raw siyang natutunan sa pag-ibig kaya ayaw na niyang i-prioritize ang love life.

Aniya, “Ang dami kong kilala na inuna ang pag-ibig, wala namang nangyari.

“Masakit, dumating yung time na parang hindi ko na malalampasan yun.

“Pero ang dami rin namang tumulong na mga kaibigan ko para makalimutan.”

Hirit pa ng press kay Angeline, ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi na nasundan ang pelikula nila ni Coco noon?

Tumawa uli si Angeline, “Baka busy lang siya, busy lang siya!”

Si Julia Montes na nababalitang karelasyon ngayon ni Coco ay nasa management team na rin ng Cornerstone.

Mabilis na komento ni Angeline, “Malapit sa akin yun, ha, walang naging isyu sa amin ni Julia.

“Hindi kami nagkikita ni Julia na nag-uusap kami ng matagal.

“Kapag nagkikita kami sa mga events, laging ‘Hi, hello.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN