Alex Gonzaga, boyfriend Mikee Morada reveal their love story for the first time

IMAGE Screen grab from Magandang Buhay / ABS-CBN

"Na-realize ko na it's not really the right time, the right situation. It's the right person. It's the right person talaga," says Alex Gonzaga about her newfound love Mikee Morada.


Sa unang pagkakataon ay nagpa-interview sa telebisyon si Alex Gonzaga kasama ang non-showbiz boyfriend niyang si Mikee Morada.

Naganap ito sa episode ng morning program ng ABS-CBN na Magandang Buhay ngayong Biyernes, January 13.

Sa panayam nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, ikinuwento ng magkasintahan kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

Nakilala ni Mikee si Alex sa pamamagitan ng kaibigan niyang aktor na si Piolo Pascual.

Kuwento ni Mikee, “Lagi ko siyang [Alex] tinitingnan sa Instagram.

Feeling ko, parang makakasundo ko siya.

“So, sabi ko [kay Piolo], 'Pare, pakilala mo naman ako.'

Pero wala, hindi niya ginagawan ng paraan. Wala siyang sinasabi sa akin.

Until one day, tumatawag si PJ.

“Sabi ko, 'Bakit kaya tumatawag ito, e, ASAP.' Pagsagot ko, si Alex ang [sumagot].”

Bago pa niya ituloy ang kuwento, ibinisto ni Alex ang unang reaksiyon ni Mikee nang magkausap sila.

Lahad ng TV host-actress, “Sabi ko, 'Gusto mo raw akong makilala?

Alam mo ang sagot niya? 'Maja [Salvador]?'

Sabi ko, 'Buti katabi ko si Maja. Ikaw daw pala ang gustong makilala. Pesteng lalaki ka, a!'”

Dagdag ni Alex, “November pa lang, sinasabi na sa akin ni PJ, 'Uy, mayroong may crush sa 'yo.'

“'Patingin ng picture. Cutie,' sabi ko, 'O, go.'”

Nabanggit din ni Alex na hindi pa sana niya ie-entertain si Mikee dahil may nanliligaw sa kanya nung panahong yun.

E, sabi ni Kuya Luis [Manzano], 'Huwag, may manliligaw 'yan ngayon.'

Sabi ko, 'Fine, kapag malungkot na lang ako. Kapag hindi ito natuloy.'

E, hindi natuloy. Blessing in disguise, buti nga, ha-ha!”

Tinanong ni Melai kung nasaktan ba si Alex sa reaksiyon ni Mikee.

Nakangiti niyang tugon, “Hindi naman ako nasaktan.

Ang ano naman kasi niya nun, hindi niya daw alam na close kami ni PJ.

Ang alam niyang ka-close ni PJ ay si Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, noong pinakausap ko kay Maja, 'O, ikaw daw. Alex daw.'

Sabi ko, 'Kung gusto mo akong makausap, gumawa ka ng paraan.'”

Sa parte naman ni Mikee, tila nagkaroon daw siya ng lakas ng loob na ituloy ang panliligaw kay Alex kahit mahiyain ang kanyang personalidad.

Aniya, “Mahiyain kasi ako, pero parang may nag-push sa akin.

Sabi ko, 'Sige, gagawa ako ng paraan.'

Then, hiningi ko ang number niya kay PJ.

“Tapos tinext ko siya kung kailan siya free, baka puwedeng makipag-meet.

“E, ayun, nag-reply naman siya.”

Makicelebrate with Alex Gonzaga's birthday tomorrow on Magandang Buhay! OHT #MBAlex

A photo posted by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

BIRTHDAY GIFT. Binigyan daw ni Alex ng pagkakataon si Mikee dahil aprubado siya ng kanyang mga malalapit na kaibigan.

Sabi ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, “Siyempre, hindi ko naman siya kilala, wala akong background sa kanya.

Sinabi nila na, 'Okay naman 'yan. Kilala namin 'yan.'

May mga common friends pala kami.

So, sinabi ko, 'Sige, why not, bigyan natin ng chance.'”

Pagdating sa panliligaw, naging totoo naman si Mikee sa kanyang sinabi na gagawa siya ng paraan para mas maging malapit kay Alex.

Isa sa mga unang hinangaan ng Kapamilya actress sa kanyang non-showbiz boyfriend ay noong kaarawan ni Mikee.

Kuwento ni Alex, “Nagdi-dinner kami, sinabi ko, 'Nandito ako.'

Bigla siyang lumabas, pumunta siya doon sa dinner.

Tapos, hindi ko alam na birthday pala niya yung araw na yun.

After ng family dinner nila, dumiretso na sila sa akin.

Sabi ko sa kanya, 'In fairness to you, ako ang birthday gift sa 'yo.'”

Sumang-ayon naman dito si Mikee: “Totoo naman.”

Kitang-kita sa mata at ngiti ni Alex na ganito rin ang pakiramdam niya sa pagdating ni Mikee sa kanyang buhay.

Sabi pa ni Alex, “Minsan tine-text ko sila Jean [Padilla, matalik na kaibigan], 'Naiiyak ako dahil masaya ako.'

Ang OA ko talaga.”

Ayon kay Mikee, mga pitong buwan din niyang niligawan si Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Alex, “Every day, tinatanong niya ako... OA ng every day, sige monthly.

“Every month, sinasabi niya, 'Puwede bang tayo na?' Sabi ko, 'Hindi pa.'”

Hindi sinabi ng dalawa kung kailan sila opisyal na naging magkasintahan.

Pero noong November daw ay muling tinanong ni Mikee si Alex kung puwede nang maging sila.

Kasi, bakit ko pa patatagalin?” sabi ni Alex.

CONSERVATIVE ALEX. Samantala, isa raw sa mga nagustuhan ni Mikee kay Alex ay ang family background nito.

Saad ng binata, “More than yung personality niya na nakakatawa, nakakapagpasaya ng mga tao, nakita ko kasi ang family background niya, yung values nila, yun talaga yun.

Parang conservative sila, yung family nila, like, may curfew. Ganun din kasi sa amin.

So, imbes na ma-intimidate ka, mas na-appreciate ko.

“Sabi ko, yun ang mga babaeng tine-treasure.”

Para naman kay Alex, wala raw kay Mikee ni isa sa katangian na gusto niya sa lalaki.

Ang nakita ko kay Mikee, na nagustuhan ko, sa lahat ng gusto ko ay wala siya.

“Lahat ng mga ideals ko wala sa kanya,” sabi niya.

Sa katunayan, sinabihan pa raw niya si Mikee ng: “I don't see you as anything, friends lang talaga. Hindi ako ready, sorry.”

Pagkatapos daw nito ay parang nanlamig na si Mikee kay Alex. Bagay na ikinabahala ng Kapamilya star.

Tapos, the next day, hindi na nag-text.

Parang umikot ang puwet ko, mali ata ang nasabi ko.

So, parang naisip ko, 'Bakit kaya ako namuroblema?”

Agad din naman daw niya itong nalinaw kay Mikee.

Sabi ni Alex, “So, sabi ko, hindi pa ako ready, but parang ayaw ko naman na mawala siya.

Gusto ko nandiyan lang siya.”

Dahil sa nangyari, aniya, “Na-realize ko na it's not really the right time, the right situation.

“It's the right person. It's the right person talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN