Angeline Quinto reveals why romance with Erik Santos did not blossom

IMAGE Noel Orsal

The rumored romance between Angeline Quinto and Erik Santos came to naught, and she admits she's to blame: "Gusto na niyang mag-asawa, doon po kami hindi nagkakasundo… ako po talaga yun. Kung gusto niya na talaga, sa iba. Hindi ko po kaya ngayon talaga."


Inamin ni Angeline Quinto na hindi nauwi sa pagiging opisyal na couple ang closeness nila ng kapwa singer na si Erik Santos.

Kasabay nito ang balitang may samaan daw ng loob ang dalawa at kasalukuyang hindi nag-uusap, bagay na itinanggi ni Angeline.

Paglilinaw ng Kapamilya singer-actress, “Hindi po siya galit sa akin, ha.

“Baka iniisip ng iba kaya nagagalit si Erik sa akin dahil ang dami kong idinadahilan.

“Hindi naman, okey po kami.”

Giit pa ni Angeline, “Naging espesyal naman po kami sa isa’t isa.

“Sinasabi naman niya na naging espesyal ako sa kanya, ganun din naman po sa akin si Erik.

“Pero yung gusto niyang mangyari sa buhay niya, gusto na niyang mag-asawa.

“Hindi pa ako ready sa ganun, e.

"Doon po kami hindi nagkakasundo… ako po talaga yun.

“Every time sinasabi sa akin ni Erik na ready na siya, nasa tamang edad na siya.

“Ako lang yung nagsasabi sa kanya na kung gusto niya na talaga, sa iba.”

Kailan niya sinabi ito kay Erik?

Ayon kay Angeline, “Last year… kasi si Erik kapag nakakakita ng bata, gusto na niyang magkaanak talaga.

“Sa akin kasi, hindi ko po kaya ngayon talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa presscon ng pelikula nitong Foolish Love noong Huwebes, January 12.

NON-SHOWBIZ ADMIRERS. Nasa edad na naman siya, kailan magiging ready to settle down si Angeline?

Tugon niya, “Kapag tapos na po akong magbayad ng bahay, dream ko po yun.”

Tatlong taon pa raw bago niya matapos ang pagbabayad ng kanyang bahay.

Sabi pa niya, “Ayaw ko namang pumasok sa isang relasyon na ang dami pang naiwan.

“Actually, ang Mama Bob ko, okey na nga, ready na rin siya e. Ako ang hindi. 

“Darating din naman tayo doon.”

Puno ang schedule ni Angeline sa taong ito.

Bukod sa Divas Live concert tour sa ibang bansa, kasama rin siya sa concert nina Martin Nievera, Regine Velasquez at Erik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maglalabas din si Angeline ng album sa taong ito.

Wala na ba siyang oras para maligawan?

Mabilis niyang tugon, “Tumatanggap po ako [ng manliligaw].

“Hindi ko lang pinapaabot sa level na tayo na, kasi ang hirap nun, e.

“Ayoko rin namang maging unfair sa partner ko… halimbawang gusto niyang lumabas kami.

“Tapos ako, hindi puwede, laging ganun, e.

“Nanliligaw pa lang, hindi na ako makasama kapag niyaya ako, what more kung kami na?”

Ayaw na raw ni Angeline ng taga-showbiz, kaya puro nasa labas daw ang mga manliligaw niya ngayon.

Sabi niya, “Ang hirap, kailangan lahat ng nangyayari sa inyong dalawa, alam ng lahat.

“Paano na yung privacy ninyo?

“Kung sa Instagram o social media, ganun na lang sana.

“Huwag na lang yung ipapaalam ko sa lahat kung ano ang nangyayari, kasi nahihirapan ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN