Jake Cuenca sets aside love life: "That's not even in the table right now."

IMAGE Noel Orsal

Despite having reunited and broken up a second time with ex-girlfriend Sara Grace Kelley, Jake Cuenca feels he's better off not focusing on his love life at the moment: "Walang showbizan, walang plastikan, I'm not having a girlfriend anytime soon, that's the truth."


Final na raw talaga ang breakup ni Jake Cuenca sa kanyang American model ex-girlfriend na si Sara Grace Kelley, sa kabila ng pagkakaroon nila ng ikalawang pagkakataong magkabalikan.

Ayon kay Jake, “Sinubukan na namin ng second time, hindi pa rin gumana.

“I think, we’re both going separate ways.

“Nasa States siya ngayon, ako nandito, so hindi rin posible.

“Pero ano naman kami, nagbabatian naman kami.

“Kunwari, noong Christmas, New Year, but nothing more than that.

“We’re friends, that’s it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa grand presscon ng pelikulang Foolish Love, na ginanap sa Valencia Events Place noong Huwebes, January 14.

WILL JAKE FALL FOR ANGELINE? Naging bukas naman sa publiko ang halos lahat ng naging relasyon ni Jake kaya nasusubaybayan ito.

Masasabing ibang-iba sa mga naging ex-girlfriends ni Jake ang leading lady niya sa Foolish Love na si Angeline Quinto.

Sa mga nakita niyang katangian ni Angeline, may posibilidad din kayang ma-in love siya rito?

Sagot ng aktor, “Well, walang showbiz-an, I’ll tell you the truth, medyo malayo nga siya sa mga nakasanayan kong babae.

“Walang showbiz-an, nakikita ko kung ano ang espesyal sa kanya.

“Nakikita ko na napaka-espesyal ng spirituality niya.

“Tulad ng ikinuwento niya sa Black Nazarene, nakikita ko na nakakagulat yung beauty ng pagiging traditional, and I can see that happening to me.

“Pero right now, like I’ve said, walang showbiz-an, walang plastikan, I’m not having a girlfriend anytime soon, that’s the truth.

“Nandoon ako sa punto ng buhay ko ngayon where I’m rebuilding, parang re-changing a lot of things.

“Parang I’m adjusting to my age now.

“Parang isinapuso ko ‘tong role ko sa kabilang soap opera. Totoong triathlete na talaga ako.

“Hindi lang siya naging role, talagang ginawa ko siyang totohanan, and that takes a lot of time, a lot of effort, that’s what I’m doing right now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy na soap opera ni Jake ay ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin, kung saan makakasama niya sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Coleen Garcia.

Wala siyang love life ngayon o pinopormahan?

“No, that’s not even in the table right now,” diin niya.

NOT CLOSING HIS DOOR TO LOVE. Hindi pa ba siya na-in love sa babaeng katulad ni Angeline, na kung sabihin ay may pagka-konserbatibo at simple lang?

Ayon kay Jake, “I think Roxanne Guinoo is something like that, Melissa Ricks is something like that.

“It happened to me before.

“Sa industriya lang kasi natin, mabilis tayong makalimot with the things that happened in the past, which is also good, kasi nagmu-move on tayo.

“Pero I had a relationship like that, even Lovi Poe.

“So, hindi ko naman masabi na sarado ang pintuan ko, hindi ako magkakaroon ng girlfriend na ganun.”

Kahit sinasabi ni Jake na wala sa prayoridad niya ngayon ang love life, alam naman daw niyang  kung may darating na para sa kanya, mangyayari at mangyayari ito.

Pero nakikita ba niyang magiging single muna siya ngayong 2017?

“Maybe, maybe not,” tugon niya,

“Pero now, ang masasabi ko lang, ang puso ko ngayon... di ba, sabi nga ni Meryl Streep, 'The broken heart creates art.'

“That’s what I believe in right now. Nakasulat 'yan sa blackboard ko sa bahay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN