Epy Quizon reveals ongoing construction of Dolphy Museum, residential resort in Calatagan, Batangas

IMAGE Noel Orsal

Epy Quizon reveals that plans are already underway for the development of the Dolphy Museum amid a residential resort in Calatagan, Batangas: "Well, wala namang mga rides and all that, but in a way, it's going to be parang a residential resort in Calatagan where you will find the Dolphy Museum, basically. It will be the happiest place on earth."


Ibinahagi ni Epy Quizon ang pagpapatayo ng Dolphyville sa Batangas, kung saan ilalagak ang mga memorabilia ng yumao niyang ama na sio Comedy King Dolphy.

Ayon kay Epy, “It’s actually a farm-to-lot, farm-to-residential, it’s a farm na gagawing residential.

“Dun namin ilalagay ang museum ng daddy ko, tapos it’s gonna be… we’re just waiting for the license, pero it’s being developed.

“Of course, hihintayin lang namin yung lisensiya and then we’ll… basta iyon na lang muna, it’s being developed right now.”

Ito ba ay parang ordinaryong subdivision o village na magbebenta sila ng mga lote?

“We will eventually, eventually,” aniya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Epy Quizon sa presscon ng horror movie na Ilawod nitong Huwebes, January 12, sa Shangrila Finest Chinese Cuisine Restaurant, sa West Avenue, Quezon City.

DOLPHY MUSEUM. Pero ang pinaka-main attraction daw ay ang museum ng King of Philippine Comedy na si Mang Dolphy.

“Well, the museum of my father will be there, of course, good amenities, and of course, it’s in Calatagan, a very nice location, 'no?” pagmamalaki niya.

Kailan ito bubuksan?

Ani Epy, “Actually, nag-groundbreaking na kami so, as we speak, dini-develop siya.”

Lupa raw iyon na pag-aari ng yumaong ama ni Epy.

“Isa sa mga nalipat sa Dolphy estate,” paglilinaw niya.

Silang magkakapatid ang mamamahala dito.

“Well, technically, we will be present in managing it and promoting it, kaya nga para pinili namin maging Dolphyville, it will be the happiest place on earth.”

Para pala itong Disneyland?

Pagklaro ni Epy, "Well, wala namang mga rides and all that, but in a way, it’s going to be parang a residential resort in Calatagan where you will find the Dolphy Museum, basically.”

Bahagi rin daw ang dating partner ni Mang Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa pagpapatayo ng Dolphyville.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yes! She is still part of the Dolphy estate.”

HAPPY FOR ZSA ZSA. Tinanong ng PEP si Epy kung ano ang masasabi niya na nagkabalikan sina Zsa Zsa at Conrad Onglao.

“I’m happy for her,” bulalas niya.

“Kumbaga, wherever she’s happy… I mean, we all deserve to be happy.

“And sino ba naman ako para sabihing, ‘Hindi, huwag kang maging masaya!’ Di ba?

“I want everyone to be happy.

“Kung saan sila masaya, I will support that.”

Hindi raw niya pipigilan si Zsa Zsa kung nais nitong muling mag-asawa.

“Ask my other siblings, not me!” at tumawa si Epy.

“Ako, wala akong… I’m very okay.

“Huwag din nilang papakialaman kung sino ang kasama ko, di ba?” at muling tumawa si Epy.

“I mean, huwag lang din nilang… kasi hindi naman nila ako pinakikialaman, di ba?

“So, bakit naman ako makikialam kung saan sila masaya?

“I’m just happy… if they’re happy, then I’m happy for them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN