Miss Colombia Andrea Tovar's sarcastic comment about hotel food giveaways draws flak from netizens

IMAGE Instagram account of Andrea Tovar (@andreatov)

Miss Colombia Andrea Tovar's sarcastic comment about hotel food giveaways drew flak from netizens. It's been deleted, but the post was picked up by keen pageant watchers, who have been giving her a bad rap.


Usap-usapan sa social media ngayon ang naging joke ni Miss Colombia Andrea Tovar tungkol sa hotel food giveaways na kanyang natanggap nang dumating siya sa Pilipinas.

Sa Conrad Hotel tumutuloy ngayon ang mga kandidata ng Miss Universe.

Sa unang ipinost ni Miss Colombia sa kanyang Instagram story, ipinapakita niya ang mga giveaways ng hotel na oranges at junk food.

Kasabay pa nito ang diumano’y pagsasalita niya na tulad ng isang Mexican.

Bagamat burado na ang post, agad naman itong na-pick up ng ilang Facebook beauty-pageant watchdogs, kabilang na ang Pageanthology 101.

Ayon sa nasabing Facebook page, ito ang translation ng mga sinabi ni Miss Colombia: "... and little translucent and hallucinogen oranges. Look at that, It's all orange. And what do you think my dears, I'm speaking like a Mexican ... What are those fattening filths? Look at this."

Dagdag ng Pageanthology 101 sa kanilang post: “Regrettable statements by Miss Colombia Andrea Tovar regarding a complimentary gift from the hotel.

“This video has been circulated online and suggests that she is being ungrateful on gifts by the hotel. Many consider it offensive and racist statement. She has apologized. Imelda Schweighart 2.0 Lol!”

Na-pick up din ang nasabing video ng ilang pageant forum sites mula sa Mexico, kabilang na ang Club MX at Miss Mexico – Noticias, dahil naman sa sinabi niyang: “I’m speaking like a Mexican.”

Hindi rin naging maganda ang dating ng post na ito sa ilang netizens mula sa ibang bansa.



Sa sumunod na Instagram story ni Andrea ay nagpaliwanag siya at sinabing natuwa siya sa mga pagkain.


Narito ang English translation nito gamit ang Google Translate:

“Some delicious junk food (you have to tell the mind what is not so that it is not tempting) I love sweets and more chocolates. Thank you love.”

Kahapon (Sabado, January 14) dumating si Miss Colombia sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN