Kris Bernal shelves network-transfer plans; sticks to Kapuso network

After admitting she seriously considered a change of network, Kris Bernal finally made up her mind to stay with GMA-7: "Kaya rin ako nag-stick sa GMA, it's because naniniwala ako sa kanila. Yung kung ano mang potential meron ako, parang sila pa rin ang maglalabas nun sa akin."


Kinumpirma ni Kris Bernal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na niya itutuloy ang paglipat ng ibang network at pagpapa-handle sa ibang manager.

Pipirma na raw siya ng renewal ng kontrata sa GMA-7 at mananatili pa rin siyang Kapuso.

“I am renewing with GMA, with same management.

“May one year talaga kami na negotiation ng contract ko.

“So, wala akong show for a year.

“Hindi ako very visible kasi one year naming inayos ang kontrata ko with GMA.

“And, siyempre, nagkaroon din ako ng time to talk with other managers, with other people na nag-confide ako, na humihingi ako ng advice,” pahayag ng Kapuso young actress.

Matagal daw niyang ipinagdasal ito bago siya nagdesisyong manatiling Kapuso contract artist.

WEIGHING HER OPTIONS. Inamin din niya na nakipag-meeting siya noon sa ABS-CBN at nakipag-usap sa ibang managers na posibleng mag-handle sa kanya.

Ani Kris, “Hindi ako magsisinungaling, kasi totoo naman yun.

“Siyempre, in my ten years in the industry parang… I’m already 27, so nasa point na I can decide on my own.

“Naisip ko, what if subukan ko yung ibang kaya kong gawin para ma-maximize yung capabilities ko?

“Bakit hindi ko i-try?

“Pero kaya rin ako nag-stick sa GMA, it’s because naniniwala ako sa kanila.

“Yung kung ano mang potential meron ako, parang sila pa rin ang maglalabas nun sa akin.”

Hindi pa raw siya nakapirma para sa renewal sa GMA pero nakapag-commit na raw siya.

Pumirma na rin daw siya ng three-year contract with GMA Artist Center na siyang magha-handle sa career niya.

CAREER PLANS. Napag-usapan na raw ang mga plano sa kanyang career sa pamamalagi nito sa GMA.

Gusto ring linawin ni Kris na hindi siya nagpapataas ng presyo kaya ginawa niyang makipag-usap sa ibang network at managers.

Paglinaw niya, “Hindi po ako nagpapataas ng presyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa totoo lang, I’m not after the money. I’m not after the fame.

“Kumbaga, bonus na lang yun.

“Pero I’m after kasi on improving my passion, e.

“Kung ano man ang puwede kong gawin,” sabi nito.

NEW FANTASY-DRAMA SERIES. Ngayon ay pinaghahandaan na raw ang gagawin niyang drama series na panghapon.

“May pagka-fantasy na drama. Wala pa kaming final title for the show.

“Hango siya sa Impostora nina Ms. Iza [Calzado] at Ms. Sunshine [Dizon], pero somehow may binago sa kuwento.

“Yung role ko dun parang dual role.

“So, very exciting kasi very different from Little Nanay,” dagdag niyang pahayag.

STILL STICKING TO WHOLESOME ROLES. Kaya pa naman daw ni Kris na magpaka-wholesome sa ngayon, pero handa na rin daw siya para sa mas mapangahas na mga role.

“Open naman ako, pero hindi ko pa kaya mag-all out.

“Pero sabi nga sa akin ng feedback ng mga tao, na hindi mo pa naman kailangan, huwag mo muna gawin.

“At least nai-enjoy mo pa yung sweet, yung wholesome.

“Dadating din sa point na pupunta ka rin dyan.

“Pero, as of the moment na 27 ka na pero kaya mo pa gumanap ng role na 20 o 18, enjoy mo muna yung ganun,” lahad pa ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN