Maine Mendoza surprises Alden Richards at his post-birthday celebration

IMAGE Facebook photo of Alden Richards (left) Twitter post of Maine Mendoza (right)

Maine Mendoza's birthday wish for Alden Richards: "Basta, sana palagi kang masaya, and nandito lang ako for you."


Sinorpresa ni Maine Mendoza ang kanyang ka-love team na si Alden Richards sa post-birthday celebration ng aktor sa Solaire Resorts and Casino, sa Paraaque City, kagabi, January 15.

Nagdiwang ng kanyang 25th birthday si Alden noong January 2.

Bagamat magkasama ang AlDub loveteam sa Sinulog Festival sa Cebu noong hapon, tila hindi naman alam ni Alden na makakasama niya rin si Maine sa party na inihanda ng fans para sa kanya.

Sa birthday message ni Maine para kay Alden, muli niyang pinaalalahanan ang kapareha na maghinay-hinay sa trabaho.

Noong nakaraang linggo ay napasugod sa ospital si Alden matapos ang isang event para magpa-check up.

Kinabukasan ay hindi muna pumasok sa trabaho si Alden para magpahinga.


Stories We Are Tracking

Alden Richards takes a break from work today
Alden Richards takes a break from work today

Pahayag ni Maine, “Basta ang wish ko lang naman sa 'yo, kung anuman ang mga pangarap mo sa buhay, kung ano yung mga gusto mong gawin, sana magawa mo.

“Siyempre, sana magkaroon ka ng time sa sarili mo.

“Sana minsan matuto kang mag-break sa trabaho, sa ginagawa mo, para mabigyan mo ng oras ang sarili mo, ang mga kaibigan mo, and siyempre, ang pamilya mo.

“So, ayun, Alden, ang wish ko sa 'yo ay sana palagi ka talagang masaya.

“Basta, sana palagi kang masaya, and nandito lang ako for you.”

Pagkatapos nito ay nag-post din ng birthday greeting si Maine sa Twitter, kasama ang mga picture nila ni Alden na kuha mula sa party.

Bukod sa fans at pamilya, dumalo rin ang ilang malalapit na kaibigan sa post-birthday celebration ni Alden.

Kabilang dito sina Kris Bernal, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Rodjun Cruz, at Bea Binene.

Joining @aldenrichards02 are some of his friends from showbiz. They're definitely enjoying the night!?

A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Naroon din ang GMA Films president na si Annette Gozon, ang GMA executive producer na si Joey Abacan, at GMA Artist Center manager na si Tracy Garcia.

With the one and only leading lady in Alden's life ??

A photo posted by Annette Gozon (@annettegozon) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN