Bryan Termulo names Liza Soberano as his dream leading lady

IMAGE Rose Garcia

College graduate Bryan Tremulo is making his way in showbiz as singer and TV host and so far, "Marami pa naman ang puwedeng mangyari, I just have to have a back-up plan," he says.


Nakagawa na ng ilang teleserye ang singer-TV host na si Bryan Termulo mula nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Si Bryan ay nagsimula sa bakuran ng GMA Network nang maging runner-up siya ni Maricris Garcia sa singing search na Pinoy Pop Superstar Year 3 noong 2007.

Noong 2011 ay lumipat siya sa bakuran ng Kapamilya network, kung saan nabigyan siya ng acting roles sa mga teleseryeng Budoy (2011) at Huwag Ka Lang Mawawala (2013), at sa mga programang Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya.

Ngunit mas nakilala siya sa pagkanta ng theme songs sa mga teleserye, tulad ng Honesto ("Kung Maibabalik, "Bakit Ba Ganyan"), Juan Dela Cruz ("Sa Isang Sulyap Mo"), Ina Kapatid Anak ("Kailan"), Walang Hanggan ("Dadalhin"), Kung Ako'y Iiwan Mo ("Hanggang Ngayon"), at 100 Days To Heaven ("Bihag", "Paano Nangyari").

Sa palagay ba ni Bryan ay mas nakilala siya kung nabigyan siya ng ka-love team?

Tugon niya, “Sinasabi nila na nakakatulong… tinitingnan ko na lang kung ano ang success ko, ako ‘to, e.

“I’m not being selfish naman. Kumbaga, hindi ako nabigyan ng love team, ibigay na natin sa kanila.

“In the event na maging successful ako, at least I made it myself, pinaghirapan ko talaga.”

LIZA SOBERANO. Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang makaparehang aktres?

Sagot ni Bryan, “Si Liza [Soberano] kasi parang paborito na siya ng lahat.

“Unang tapak ko sa ABS, kaming dalawa ni Liza ang unang-unang nag-go-see kaya kilalang-kilala niya ako.

“Sobrang bata pa ni Liza nun at kinu-kuya pa niya ako.”

Natawa pa niyang sabi, “Talaga namang para kaming mag-kuya that time, mukha talaga siyang bata nun.

“Pero nakikita ko siya now, she’s growing and sobrang successful. Happy ako for her.”

Birong tanong kay Bryan: Kilala pa ba siya ni Liza ngayon?

“I hope so, kasi Hope siya e,” birong sagot din niy.

Hope Elizabeth Soberano ang tunay na pangalan ni Liza.

Patuloy ng singer, “Nagkikita kami before sa ASAP at kuya pa rin ang tawag niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya nagbago, sobrang bait. ‘Kuya Bryan, kumusta ka na?’ yung ganun.”

Single pa rin si Bryan at 28. Pero pagdating ng 30, baka may mababalitaan na raw sa kanya.

Humarap si Bryan sa entertainment press sa launching niya kamakailan bilang brand ambassador ng MegaSoft Hygienic Products.

FRIENDLY COMPETITION. Gaya ng nabanggit, si Bryan ay produkto ng Pinoy Pop Superstar, kaya hindi maiwasang maikumpara siya sa ibang singers na tulad niya ay nagsimula sa isang singing search sa telebisyon.

Tulad ni Erik Santos na kauna-unahang grand champion ng Star In A Million ng Kapamilya network noong 2003.

Ngunit ayon kay Bryan, “Healthy competition naman, na-establish nila yun bago ko pa ma-establish ang pangalan ko.

“Hindi ko na mababawi sa kanila yun.

"Friends naman kami, wala naman kaming problema.

“Yung mga singers ngayon, meron naman akong mga numbers nila… walang competition.

“Masuwerte na lang ako, kahit hindi ako kumakanta ngayon, meron pa rin akong ginagawa.

“Katulad nga ng Salamat Dok tuwing Sabado at Linggo and nakakapag-show sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Sila rin naman, meron din, so let’s be happy for each other.”

Sabi pa niya, “Sobra akong enjoy ang hosting ngayon, and this is my side na in-enjoy ko, minahal ko.”

CAREER PATH. Noong 2012 pa ang huling album na nagawa ni Bryan. Wala ba siyang plano na gumawa muli?

Saad niya, “Ang problema kasi ngayon sa music industry, nakakalungkot, ang hirap mag-sell ng physical album.

“Ang plan ngayon is to penetrate the digital market, mag-single-single muna, and let’s see from there.”

Kuntento ba siya sa takbo ng career niya ngayon o nababagot na siya?

Tugon ni Bryan, “Prangkahan? Hindi ako nababagot, okey lang sa akin.

“There are times na malungkot ako dahil wala akong work… nakakalungkot kapag wala kang trabaho.

“Pero may Salamat Dok ka, may isa kang programang ginagawa na hindi na inalis sa akin ng network.

“Every time na magda-doubt ka sa sarili mo, babalikan mo ang previous episodes ng Salamat Dok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag tiningnan mo, may five minutes kang exposure sa TV, compared naman sa ilang lines na kinakanta mo.

“And sa akin, kung meron talaga akong next level pa, so be it, tanggapin natin, let’s embrace it.

“And I believe, marami pa naman ang puwedeng mangyari, I just have to have a back-up plan.”

MAKING IT. Si Bryan ay tapos ng kursong Mass Communication sa Trinity College at ilang units ng Education.

Ngayong natupad na niya ang pangarap ng kanyang mga magulang, mas mabibigyan na raw niya ng atensiyon ang kanyang career.

Co-managed na rin siya ni Boy Abunda ng Asian Artists Agency, bagay na ikinagulat at ikinatuwa ni Byan.

Kuwento niya, “Noong sinabi nila na, ‘Makipag-meeting ka, interesado si Kuya Boy na i-manage ka.’

“Sabi ko, ‘Hala, bakit?’ Bakit in a way na masaya ako.

“Si King of Talk, magbibigay siya ng time na kausapin ako.

“So, hinintay ko ang araw hanggang sa ma-meet ko na siya personally.

“Ako na yung kinakausap niya pagdating sa career path.

“Sabi ko, 'O, sige, ita-try ko ‘to…' I trust him, it could bring me so much opportunities.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN