Gloria Diaz on Maxine Medina's chances of winning Miss Universe 2016: "Chance is one in a million."

IMAGE PTV Facebook

Miss Universe 1969 Gloria Diaz is not confident that Maxine Medina can clinch a back-to-back win for the Philippines. 


Tila hindi kumpiyansa si Miss Universe 1969 Miss Universe Gloria Diaz na magkakaroon ng back-to-back win ang Pilipinas sa Miss Universe.

Ang Philippine pride na si Pia Alonzo-Wurtzbach ang Miss Universe 2015, at ipapasa niya ang korona sa Miss Universe 2016 sa January 30, 2017, na gaganapin dito mismo sa Pilipinas.

Ang pambato ng Pilipinas sa 65th edition ng prestigious international beauty pageant ay si Maxine Medina.

Sa Facebook account ng government-owned TV network na PTV4, ipinost ang sagot ni Gloria sa tanong na kung magagawa ni Maxine ang isang back-to-back win para sa Pilipinas.

Sagot ng veteran actress: “No, but, I think she has a chance and chance is one in a million.”

Sa comments section ng nasabing post, may mga sumang-ayon kay Gloria at ipinaliwanag kung bakit sa palagay nila ay hindi makakaya ni Maxine ang back-to-back win.


Mayroon din namang kumontra at nagkomentong sa halip na maging negatibo ay dapat sinusuportahan ang pambato ng Pilipinas.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN