Martin del Rosario denies one-night stand with Mr. Fu for P30K

IMAGE Noel Orsal

Balewala na raw para sa Kapuso actor na si Martin del Rosario ang gay-related issues na ibinabato sa kanya. Naka-focus daw kasi siya sa kanyang showbiz career at negosyo.


May blind item na lumabas sa isang TV show na ang clues ay tumutukoy sa Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Ayon sa blind item, may isang gay radio-TV personality na naka-one night stand daw ng isang showbiz personality na kilalang "may ipinagmamalaki."

Sa kuwento, akala raw ng gay radio-TV personality ay type din siya ng showbiz personality, ngunit matapos ang kanilang ginawang milagro ay siningil daw siya ng lalaki ng halagang P30,000.

Base sa mga clue, ang haka-haka ay ang gay radio-TV personality ay si Mr. Fu. at ang showbiz personality naman ay si Martin.

Sa presscon ng bagong afternoon drama series ng GMA Network, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, nitong Lunes ng gabi, January 16, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin tungkol sa naturang blind item.

Mariin itong itinanggi ng 24-year-old Kapuso actor.

Pahayag ni Martin, “Wala po akong alam dun sa mga nali-link sa akin. Ewan ko po kung bakit nila nili-link.”

Tinanong din namin siya tungkol sa P30,000 na hiningi niya diumanong bayad.

Natawa na lang si Martin, sabay sabing, “Talaga ho? Grabe naman! No, hindi po totoo yun.”

Kinuha rin namin ang panig ni Mr. Fu sa pamamagitan ng text messaging.

Itinanggi rin ng radio personality ang isyu.

Pabirong pahayag ni Mr. Fu, “Walang ganap unless siya nagsabi! Chos!

“Na-meet ko lang siya once or twice through Valeen [Montenegro].”

SHOWBIZ AND BUSINESS. Tila immune na si Martin sa mga ganitong klaseng balita, na mukhang usong balita kapag may guwapo at baguhan sa showbiz.

Ilang beses nang napabalitang bakla ang binata, may karelasyong lalaki, at maraming beses na ring kumalat sa social media ang kanyang nude photos.

Pero hindi na raw siya nagpapaapekto pa rito.

Para kay Martin, balewala na sa kanya ang mga ganitong klaseng isyu. Lagi raw itong ipinupukol sa kanya, pero hindi na niya pinapansin dahil maganda ang takbo ng kanyang career, pati na ang kanyang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa January 30, magsisimula nang umere sa GMA Network ang TV adaptation ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Isa si Martin sa mga bida ng panghapong seryeng ito; kasama sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, at LJ Reyes.

Kasama rin nila sa programa sina Jean Garcia, Ara Mina, Geleen Eugenio, Victor Neri, Allan Paule, at Lharby Policarpio.


Pahayag ni Martin tungkol sa bagong proyekto, “Siyempre, overwhelmed po, kasi alam ko magandang pelikula 'to.

"Pero bagong character ako dito, parang walang pinagbabasehan talaga."

Bilang Kiko, gagawin niya ang lahat upang makuha ang pag-ibig ni Julie Anne bilang si Santina.

Dagdag pa niya, “Mabait ako dito pero nagmahal lang talaga.”

Sa ngayon, loveless daw siya at magpo-focus muna sa kanyang business at trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN