Actress/massacre-films producer Donna Villa dies of cancer

IMAGE Noel Orsal

Pumanaw na ang dating aktres at film producer na si Donna Villa, misis ni Carlo J. Caparas, dahil sa cancer of the uterus ngayong Martes, January 17. Nakilala si Donna dahil sa massacre movies nila ng kanyang mister noong '90s.


Pumanaw na ang aktres at producer ng Golden Lions Films na si Donna Villa dahil sa cancer of the uterus.

Binawian ng buhay si Donna sa UST Hospital ngayong Martes ng hapon, January 17. Siya ay 57 years old.

Si Donna Villa ang maybahay ng pamosong writer-director na si Carlo J. Caparas.

Wala pang ibang detalye tungkol sa kanyang pagkamatay, ngunit ilang malalaking pangalan na sa industriya ang nagkumpirma ng balitang ito.

Isa sa kanila ang veteran actress na si Vivian Velez na nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong actress-producer.

Naulila ni Donna ang kanyang mister na si Carlo at ang mga anak nilang sina CJ at Peach Caparas.

Isa rin si Donna sa well-loved personalities sa mundo ng Philippine showbiz.

Ang Golden Lions Films ang nag-produce ng massacre films noong '90s: The Vizconde Massacre: God Help Us! (1993), The Myrna Diones Story (Lord, Have Mercy) (1993), The Untold Story: Vizconde Massacre II- May The Lord Be With Us (1994)...

Lipa 'Arandia' Massacre: Lord, Deliver Us From Evil (1994), The Cecilia Masagca Story: Antipolo Massacre (Jesus Save Us!) (1994), The Lilian Velez Story: Till Death Do Us Part (1995), at Annabelle Huggins Story-Ruben Ablaza Tragedy (1995).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN