Katrina Halili hopes to remain a Kapuso after her contract ends

IMAGE Noel Orsal

Katrina Halili vows to be a loyal Kapuso: "Magiging loyal po ako hangga't bibigyan nila ako ng trabaho."


Sa April 2017 nakatakdang magtapos ang network contract ni Katrina Halili sa GMA-7.

Sa ngayon, hindi pa alam ng StarStruck alumna kung mare-renew ang kanyang kontrata o hindi.

Kaya naman hangga't hindi pa ito natatapos, ayaw muna raw isipin ni Katrina ang kanyang magiging hakbang.

“Wala pa po kasi hindi pa naman po tapos yung contract.

“Ano po, pag-uusapan after April,” sabi ng Kapuso actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal.

Wala rin naman daw siyang nakukuhang offer mula sa ibang networks.

Paano kung sakaling may magbigay sa kanya ng nakakasilaw na offer mula sa ibang network?

Sagot ni Katrina, “Ayoko naman pong magpasilaw.

“Basta hindi ako papabayaan ng network, di ba? Mananatili naman akong loyal.

“Pero kasi, hindi naman ako dun sa silaw, e.

“Kasi, di ba, parang siyempre, sa GMA ako tumanda na...

“I mean, dun na ako nag-grow, so hindi naman nila ako pinabayaan kahit ano ang nangyari sa akin.

“So, magiging loyal po ako hangga’t bibigyan nila ako ng trabaho.

“Pero siyempre, kung wala na, mahirap namang maging loyal kung wala nang trabaho.”

LOYALTY. Ano naman ang masasabi niya sa mga artistang hindi loyal sa TV network na nagpasikat at nag-alaga sa kanila?

Sagot ni Katrina, “Hindi ko po alam. Choice po nila yun, e.

“Ako kasi, ganun yung akin, e.

“At saka nakita niyo naman, hindi talaga ako nawalan ng work since nag-start ako.”

Nagpapasalamat si Katrina na sa kabila ng mga nangyari sa kanya, patuloy pa rin siyang binibigyan ng trabaho ng GMA Network.

Saad niya, “Kung mawawalan ako, siguro matagal ko na six months, simula ng StarStruck days ko, ha?

“Nawawalan ako six months lang, nag-aantay lang ng next show.

“Kahit nung nagkaroon ako ng isyu-isyu, hindi pa rin nila ako tinanggalan ng show.

“Nawalan ako six months lang, ganun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit nung nabuntis ako, pinakamatagal ko po dahil nabuntis ako, at saka kahit buntis po ako, nag-stop po ako magtrabaho five months.”

PLANS FOR 2017. Samantala, nananatili namang blooming si Katrina kahit wala siyang karelasyon ngayon.

Ano ang sikreto niya?

“Positive thinking. Ayoko ng nega, e!

“Happy ako sa set, sa trabaho namin, sa Sa Piling Ni Nanay.

“Happy ako sa bahay, sa family, happy ako kay Katie [Katrina’s daughter].

“Tapos, yung mga friends ko.

“Tapos exercise, nagka-cardio. Cardio nga lang, kulang nga ako sa weights, e.

“Puro cardio.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN